• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Judy Ann at Kathryn, napipisil na gumanap: Life story ni CHARO, gustong isa-pelikula ni Direk DARRYL

NAIS ng direktor na si Darryl Yap na magpahinga muna sa paggawa ng pelikulang tungkol sa mga pulitiko.

 

Tatapusin lamang niya ang pangatlong bahagi ng trilogy niya sa buhay ng mga Marcoses at lilinya muna siya sa ibang personalidad.

 

“Politician I would like to take a rest muna,” ang natatawang umpisang sinabi ni Darryl, “well there’s an offer for the Dutertes but I said I’m gonna rest for awhile.

 

“After the trilogy perhaps I’m just gonna, you know, create more films that are not political, ‘coz it’s consuming my energy, the stress that I’m getting.”

 

Kung hindi politiko, sinong personalidad ang nais niyang isapelikula ang buhay?

 

“Well I want to tackle the life of Charo Santos.

 

“I would like to, you know… coz she’s a very good actress and became a very important part of Philippine entertainment, ‘no?
“How do you maintain… gusto kong ikuwento  yung buhay ng tagapagkuwento, I think it’s really a very good content, ‘no?”
Maraming taon na naging host si Charo ng ‘Maalaala Mo Kaya’ sa ABS-CBN.

 

“With all the letters that she has been reading, ‘no? I guess if I get to tell her story I’ll be telling the story of millions so… I find her very beautiful, what she did with ABS-CBN is far beyond compare.

 

“She’s a woman of grace and I don’t think there’s a person in showbiz that can speak ill of her.

 

“She’s very gracious and I want to create a movie about a woman who achieved greatness not just because she’s beautiful but she’s a good person.”

 

 

Women empowerment kumbaga…

 

 

“Yes! Something like that.”

 

 

Sino ang aktres na papaganapin niyang Charo Santos?

 

 

“Charo Santos… well, tutal ano naman ‘to, fantasy question…”

 

 

Na puwedeng maging reality, singit namin kay Darryl.

 

 

“Yeah, why not? Dyusko lahat ng sasabihin ko hindi artista ng Viva so kung gusto kong maging realistic ‘to hindi in the next five years dahil five years ako…

 

 

“Well as the young Charo, Kathryn would be very good,” pagbanggit ni Darryl sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, “Kathryn would be very good.

 

 

“Then Judy Ann is very nice, Judy Ann, di ba,” pagtukoy naman ni Darryl sa premyadong aktres at isa sa mga reyna ng ABS-CBN na si Judy Ann Santos. “And Santos din and you know, very Filipina.

 

 

“It’s really a dream, ‘no. I really fell in love with Ms. Charo, she’s really ano, she’s really something.

 

 

“Well aside from, ewan ko kung bakit, gusto ko rin noon si Charito Solis, gusto ko yung ano, mga malalalim na babae, yung pag tiningnan mo, parang, basta may pagka-ganun,  may pagka-probinsiya look na can do something talaga.”

 

 

Nakaka-dalawang pelikula na tungkol sa pamilyang Marcos si direk Darryl Yap, ang ‘Maid In Malacañang’ na ipinalabas sa mga sinehan August 2022 at ang ‘Martyr Or Murderer’ na ipapalabas naman sa mga sinehan sa March 1.

 

 

Tampok sa pelikula ang ilang bahagi ng buhay ng mga Marcoses sina Cesar Montano bilang Ferdinand Marcos, Sr., Ruffa Gutierrez bilang Imelda Marcos, Cristine Reyes bilang Imee Marcos, Diego Loyzaga bilang Bongbong Marcos, Ella Cruz as Irene Marcos, Marco Gumabao bilang young Ferdinand Marcos, Isko Moreno as Ninoy Aquino, Jerome Ponce as young Ninoy Aquino, at sina Elizabeth  Oropesa bilang Manang Lucing, Kyle Velino bilang Greggy Araneta, Cindy Miranda bilang young Imelda Marcos, Beverly Salviejo bilang Biday, Franki Russell as Claudia Bermudez, Marlon Mance bilang Mel Mathay, Billy Jake Cortez bilang young Mel Mathay at marami pang iba.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ekonomiya ng Phl lumago ng 7.1% sa Q3 ng 2021

    Bahagyang lumago ulit ang ekonomiya ng Pilipinas para sa third quarter ng 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).     Pero ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, mas mabagal ang paglago ng ekonomiya noong third quarter ng kasalukuyang taon kumpara sa naunang period.     Ito ay dahil na rin sa reimposition ng […]

  • Phoenix Suns nalusaw kay Jimmy Butler, Heat

    SINANDALAN ng Miami Heat si veteran scorer Jimmy Butler upang pasukuin ang Phoenix Suns, 104-96, sa 2022-2023 National Basketball Association (NB) regular season game kahapon.   Tumikada si Butler ng 20 puntos, anim na assists at limang rebounds upang tulungan ang Heat na ilista ang 21-19 karta at hawakan ang No. 8 spot sa Eastern […]

  • Premium rate ng PhilHealth sa 2023, mananatili sa 4%

    TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mananatili pa rin sa 4% ang kanilang premium rate na may income ­ceiling na P80,000 para sa CY 2023.     Ito ay bilang pagtalima na rin sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin ang nakatakda sanang premium rate increase na mula 4.0% ay gagawin […]