• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JULIE ANNE at RAYVER, magka-tandem na ang turingan kaya wala nang awkwardness

PAGKATAPOS ng successful first part Limitless online concert ni Julie Anne San Jose, ang “Breath” at sa Mindanao ang naging location, ngayon ay nasa part 2 na kunsaan sa Visayas naman siya nag-ikot at ang title ay “Heal.”

 

 

Special guest ni Julie Anne sina Jessica Villarubin at Rayver Cruz.

 

 

With Rayver, inamin ni Julie na although lahat naman ay nag-conceptualize, isa siya sa may personal choice na makasama ito sa part 2. Kaya bukod sa highlight ang pagkanta at pagtugtog ni Julie ng piano sa tabing dagat, with a cinematic sunset, tiyak na marami ang maghihintay sa gagawin nila ni Rayver.

 

 

Sa isang banda kasi, mula nang magkasama sa All-Out Sundays at maging hosts sila ng The Clash, kahit na alam ng lahat na may girlfriend si Rayver, may mga kinikilig talaga sa kanila.

 

 

Pero wala naman daw silang ilangan o awkwardness na dalawa.

 

 

Sabi nga ni Julie, “Wala namang dapat na awkwardness kasi we’re more on a tandem than loveteam. Talagang comfortable lang kami sa isa’t-isa.

 

 

      “At ‘yun naman talaga ang factor para magkaroon ng chemistry ang isang tandem.”

 

 

At the same time, nagpapasalamat daw siya sa sumusuporta sa tandem nila.

 

 

     “I really appreciate it at marami pa pong kaganapan sa Heal. Basta, hindi ko pwedeng i-spoil, basta abangan niyo na lang po.”

 

 

Ang Limitless Part 2: Heal ay sa November 20 na mapapanood at maaari ng makabili ng ticket sa gmanetwork.com at synergy.

 

 

***

 

 

TULOY na tuloy na nga ang magiging kasal ni Ritz Azul sa kanyang non-showbiz fiancée na si Allan Guwi. 

 

 

      May mga unang report na sa December ng taong ito ang kasal ni Ritz, so not unless nagbago siya ng schedule or as Maid of Honor, kasama si Miles Ocampo sa mga preparation sa kasal kaya may pa-“see you next week” si Ritz comment nito sa post ni Miles.

 

 

Ang sigurado, hindi hadlang ang pandemic para ma-enjoy at magawa ni Ritz ang usual na ginagawa ng isang bride-to-be at ang kanyang wedding mismo.

 

 

Nagkaroon ng bachelorette party si Ritz kasama ang mga napili niyang entourage sa wedding, kabilang nga rito si Miles na masaya na isa sa napiling Maid of Honor. Ito rin ang nag-post ng naging bachelorette party ni Ritz na may pa-hastag na #bacheloRITZ sa Bohol.

 

 

Nagpasalamat naman si Ritz sa post niya at sey nga niya, “Thank you soo much for this wonderful and memorable trip, girls!  Roller coaster feelings, pustahan, sunset viewing, height realizations and more! I love you all! Alam nyo yan! See you soonest!”

 

 

At may pa-good luck pa ito sa mag-speech daw.

 

 

Sa isang banda, simula nang sumali sa Artista Academy, very consistent si Ritz sa pagsasabing NBSB (no boyfriend since birth) siya. So, kung totoo talaga at paniniwalaan nga itong statement niya sa kabila ng mga ilang na-link din sa kanya, kabilang ang isang director, masasabing first and last boyfriend ni Ritz ang mapapangasawa.

 

 

***

 

 

ANG Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera talaga ang masasabing “reyna” may pandemic man o wala.

 

 

Kasi kahit na may pandemic and unlike others, sa loob halos ng dalawang taon, nagagawa talaga ni Marian na tuloy-tuloy pa rin ang mga trabaho niya kahit na nasa bahay lang. Bukod sa sunod-sunod na endorsements, ang sold-out palaging Floravida by Marian niya na business at heto nga, apat na taon ang hino-host niyang Tadhana.

 

 

Na ‘yung dalawang taon, purely sa bahay lang siya nagsu-shoot kunsaan ang asawa na si Dingdong Dantes ang naging director niya.

 

 

Kung may kulang man at nami-miss sa kanya lalo na ng mga tagahanga ay ang mapanood siyang muli na umarte sa isang teleserye.

 

 

Kaya kinamusta namin ito kung posible na kaya siyang mapanood ngayong 2022.

 

 

     “Naku, ang hirap kasi na sabihin ko on the spot na oo o hindi. Kasi, depende pa rin ‘yan sa magiging situwasyon at protocol ng GMA.

 

 

      “Kung konting araw lang naman, bakit hindi, ‘di ba? Let’s compromise pero kung katulad ng lock-in taping at mawawala ako ng isang buwan para sa mga anak ko, medyo mahirap ‘yan para sa akin. Siyempre, ‘yung mga anak ko, umaasa ‘yan sa akin. Si Zia nag-aaral, si Sixto sa akin, so mahihirapan ako.

 

 

     “Pero tingnan natin, baka naman pagdating next year, mas smooth na ito at alam na natin kung paano diskartehan, so tingnan natin.”

 

 

      At least, pwedeng sabihin na mas medyo open siya ngayon sa posibilidad kesa dati na talagang definite ang answer nya na no for a lock-in taping.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • ANNE, balik-Pinas na at aabangan ang muling pagho-host sa ‘It’s Showtime’

    BALIK Pilipinas na pala ang pamilya nina Anne Curtis at Erwann Heusaff kasama ang kanilang baby girl na si Dahlia.     Mahigit isang taon din sila sa Melbourne, Australia kunsaan ay nanganak si Anne at nag-stay sila hanggang 11 months old si Dahlia.  Siyempre, nag-extend talaga ang stay nila sa Australia dahil sa pag-surge ng […]

  • House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong

    SA HANGARING mabawasan o mapigilan na ang anumang “firecracker-related injuries,” nais ng isang mambabatas ang tuluyang pagbabawal o total ban sa bentahan, distribusyon at paggamit ng mga “firecracker” o paputok at iba pang pyrotechnic devices.     Sa House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong ni House Committee on Local Government Chairman at […]

  • Bulacan, umangat sa ikawalong pwesto bilang Most Competitive Province

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang patunay sa pagsisikap nito tungo sa pag-unlad at dedikasyon sa mabuting pamamahala, umangat ang Lalawigan ng Bulacan sa ikawalong pwesto bilang isa sa Most Competitive Province sa 2023 Philippine Competitiveness Ranking na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isinagawang 10th Cities and Municipalities Competitive Summit sa Philippine […]