• May 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘JulieVerse’ concert, inaabangan na ng mga fans: JULIE ANNE at RAYVER, ‘di ikinakailang nami-miss ang isa’t-isa

HAPPY ang mga JayVer fans nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, dahil hindi na nila ikinakaila ang namamagitan na sa kanilang dalawa.  

 

 

Dahil naka-lock-in taping si Julie sa Vigan City, Ilocos para sa “Maria Clara at Ibarra” with Barbie Forteza at Dennis Trillo, hindi nila ikinakailang nami-miss nila ang isa’t isa.

 

 

Madalas silang mag-post how they miss each other.

 

 

Nang minsang mag-taping break si Julie, sinamantala na nila ni Rayver na mag-invite together para sa coming concert nila: “JulieVerse” concert is just around the corner at the Newport Performing Arts Theater, Pasay City on Saturday, November 26, 2022.

 

 

“Our special guests are Kyline Alcantara and Mavy Legaspi, director is Paolo Valenciano. For tickets, visit gmanetwork.com/synergy or at ticketworld.com.ph! See you there!”

 

 

Sa ngayon ay patuloy pa ang lock-in taping at nagpapasalamat ang buong cast at production staff ng historical fantasy portal na dinidirek ni Zig Dulay, dahil sa magaganda nilang comments at gabi-gabi silang sinusubaybayan at nagti-trending sa timeslot nilang 8 pm sa GMA-7, after ng “24 Oras.”

 

 

                                                            ***

 

 

LAST Sunday, October 16, um-attend si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ng “AlDub Nation Charity Event,” in celebration nila ng 7th year nila as fans nina Alden at Maine Mendoza. 

 

 

Yes, masigla pa rin ang bumubuo ng AlDub, tahimik lamang sila sa patuloy na pagsuporta nila sa kanilang mga idolo, kaya naman, hindi nagkakait ng oras nila kahit isa lamang sa kanila, kapag may mga okasyon silang isini-celebrate.

 

 

Tulad nga ng charity event, para sa pagsuporta nila sa AR Foundation ni Alden, na ang layunin ay makakakuha ng mga scholars para matulungan nilang makatapos ng pag-aaral.  Invited nilang nag-host si Kapuso comedian Betong Sumaya para sa games and raffle nila at pag-interview rin kay Alden.

 

 

Personal ngang nagpasalamat si Alden sa AlDub Nation: “Hindi po matatawaran ang patuloy ninyong pagsuporta sa amin ni Maine, at sa AR Foundation.  Sa ngayon po ay may 12 scholars na tayo, 3 na po ang naka-graduate ng college at may ga-graduate pang 5 this year.

 

 

“Sa susunod pong school year baka magkaroon na tayo ng 25 scholars,  sinisikap po naming mas maraming matulungan tayong mga kabataan na gustong makapagtapos ng pag-aaral.  Muli, ang aming pasasalamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa amin.”

 

 

Sa ngayon ay tapos na tapos na ang taping ng “Start-Up PH” nila nina Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Ms. Gina Alajar and others, sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata na napapanood every night, after “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

                                                            ***

 

 

MATUTUWA na siguro ang mga netizens na sumusubaybay sa GMA Afternoon Prime series na “Return to Paradise” nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva, ngayong papalapit na ang finale week nila.

 

 

Makakapaghiganti na ba si Amanda (Eula Valdes) laban kay Rina (Teresa Loyzaga), sa lahat ng kasamaan nito sa kanya at sa anak niyang si Eden (Elle)? Maniwala na kaya si Red (Derrick) sa katotohanan na masama ang kanyang inang si Rina at humingi siya ng sorry kay Amanda?

 

 

Napapanood ang “Return to Paradise” daily, 3:25 PM after “Abot-Kamay na Pangarap.”

 

 

Exciting naman para sa mga fans nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, ng “What We Could Be” ng GMA Networks at Quantum Films, kung maayos na ang mga problema nila like ang pag-alis ni Franco (Miguel) nang walang paalam at pag-iwan niya kay Cynthia (Ysabel).

 

 

Pagkakataon na ba iyon ni Lucas (Yasser Marta) na makuha niya ang atensyon ni Cynthia?

 

 

Napapanood naman ang “What We Could Be” Mondays to Thursdays, 9:35 pm, pagkatapos ng “Start-Up PH”.

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads March 8, 2021

  • Pagtiyak ni PBBM kay Xi: Pinas, walang ‘Cold War mindset’

    BINASURA ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang inilarawan nitong  “Cold War mindset” sa pagtugon sa tensyon sa pinagtatalunang South China Sea.     Isang sentimyento na ibinahagi ng Pangulo kay  Chinese President Xi Jinping na nagsabi na ang  Asia-Pacific region ay hindi dapat  maging  “an arena for a big power contest.”     Tiniyak ni […]

  • Pagrampa ni SANYA na naka-red bikini sa ‘First Yaya’, nag-top trending sa YouTube

    NAG–ENJOY ang netizens sa panonood ng romantic-comedy series na First Yaya, sa episode na nagpapakita kay Sanya Lopez, wearing a red-bikini habang rumarampa bilang si Yaya Melody, at nganga lahat ng mga nakakita sa kanya.      Nag-top trending iyon sa YouTube at ilang oras lamang after nai-showing ay umani na ito ng more than […]