• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Justice Lopez, bagong Associate Justice ng SC

KAPWA kinumpirma nina Executiive Secretary Salvador Medialdea at Presidential spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay dating Court of Appeals Justice Joseph Ilagan- Lopez bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.

 

Sinabi ni Sec. Roque na pinirmahan ng Pangulo ang appointment paper ni Justice Lopez kahapon, Enero 25.

 

Inaasahan aniya ng Pangulo na paiiralin ni Justice Lopez ang judicial indpendence at rule of law at ipagpapatuloy nito ang reporma sa court processses ng bansa.

 

Si Justice Lopez aniya ay isang produkto ng UP College of Law, dating konsehal, dating City Fiscal ng Maynila bago pa siya italaga bilang Court of Appeals Justice.

 

“yes” naman ang naging sagot ni ES Medialdea nang tanungin kung itinalaga nga ba ni Pangulong Duterte si Justice Lopez. (ARA ROMERO)

Other News
  • PDu30, gusto pa ng 3 hanggang 5 drug lords ang mapatay

    SA KABILA nang mahigit isang buwan na lamang ang itatagal sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na mayroon pa siyang isang natitirang target sa kanyang “war against illegal drugs” at ito ay ang mapatay ang mga drug lords.     Sa katunayan, nagbigay na siya ng marching orders sa mga pulis na patayin […]

  • Anak ni Pacquiao nagpakita ng talino

    NILADLAD ng ng anak ni eight-division world boxing champion, Sen. Emmanuel Pacquiao na si  Michael Pacquiao nang tamang masagot ang pito sa Walong tanong upang mapremyuhan ng P45K sa Eat Bulaga Bawal Judgmental TV noontime show nitong Miyerkoles, Disyembre 2.   Umiskor ang Ingleserong bata na ipinakilalang rapper art artist ng 3-of-4 sa opening stanza […]

  • Fare hike sa jeep, TNVS at buses, binubusisi na ng LTFRB

    PINAG-AARALAN pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon sa hiling na dagdag-pasahe para sa jeepneys, transport network vehicle services (TNVS) at mga bus.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB executive director Tina Cassion na mara­ming bagay silang ikinukunsidera bago maglabas ng desisyon hinggil sa mga naturang […]