• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Justin Brownlee, ganap ng Filipino Citizen

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang batas na nagbibigay ng pagkamamamayan ng Pilipinas sa American basketball player na si Justin Brownlee, sinabi ni Senador Francis Tolentino noong Huwebes.

 

“Oo. I am so glad that President BBM sign Republic Act 11937,” ayon  kay Tolentino, isa sa principal authors ng batas, nang tanungin sa development ng kanyang citizenship.

 

Ito ay dumating isang buwan matapos aprubahan ng Senado ang House Bill 6624 sa ikatlo at huling pagbasa nang walang anumang pagbabago sa bersyon na ipinasa ng mababang kamara.

 

Pinabilis ng mga mambabatas ang pagpasa ng panukala habang si Brownlee ay isinasaalang-alang para sa isama sa lineup ng Gilas Pilipinas, ang pambansang koponan ng bansa para sa men’s basketball, na nakatakdang harapin ang Lebanon at Jordan sa ikaanim at huling window ng FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero .

 

Ang Pilipinas, kasama ang Japan at Indonesia, ang magho-host ng FIBA ​​World Cup sa Agosto. (CARD)

Other News
  • Ads March 19, 2022

  • Ads July 18, 2022

  • TOM, gustung-gusto nang makasama ni CARLA ‘pag natapos na ang kanilang lock-in taping

    DESPITE the challenges of the COVID-19 pandemic, nagawa pa ring maayos nila Carla Abellana at Tom Rodriguez ang kanilang kasal na sa Nobyembre magaganap.     Ayon kay Carla, wala raw nabago sa original plans nila. May mga adjustments lang dahil sa mga susundin na protocols.     “Mas mahirap, given kasi pandemic ngayon, most […]