• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Justin Brownlee, Jamie Malonzo binalik angas ng Ginebra Gin Kings

STANDING

TEAM W L

Bay Area 10 2

Magnolia 9 2

Converge 8 3

Ginebra 8 3

NorthPort 6 6

Phoenix 6 6

SMB 5 5

Rain or Shine 5 6

Meralco 4 6

NLEX 4 7

TNT 4 7

Blackwater 3 9

Terrafirma 1 11

 

Mga laro sa Miyerkoles

(PhilSports Arena, Pasig)

3 pm – Meralco vs NLEX

5:45 pm – Converge vs Ginebra

 

 

Sa likod nina Justin Brownlee, Jamie Malonzo at Scottie Thomspon, sumandal sa nakakahilong distribusyon ng bola ang Ginebra para takbuhan ang NorthPort 122-105 sa second game ng 47th PBA Commissioner’s Cup elims sa PhilSports Arena Linggo ng gabi.

 

 

Namigay ng 38 assists sa 48 made shots ang Gin Kings sa pangunguna ng tig-siyam nina Scottie Thompson at Justin Brownlee, may 7 pa si Christian Standhardinger.

 

 

Tumapos si Brownlee ng 31 points, 26 kay Jamie Malonzo at 20 pa kay Standhardinger. Humablot ng tig-13 rebounds sina Brownlee at Standhardinger, mainam din ang kontribusyong 12 points ni Jonathan Gray.

 

 

Umiskor ng 10 pataas ang limang starters ng Batang Pier pero walang naisagot nang kumalas ang Gins sa kalagitnaan ng fourth.

 

 

Tinagay ng Ginebra ang pang-walong panalo sa 11 laro at sinaluhan sa tersera ang Converge.

 

 

Bumaba sa 6-6 ang NorthPort kabuhol ang Phoenix sa 5th. Namuno sa Batang Pier ang 26 points ni Arvin Tolentino na 6 for 9 sa 3s, 23 kay Prince Ibeh at 22 ni Robert Bolick.

 

 

Nagliyab ng 47 points sa third quarter ang Magnolia (9-2) na sinandalan para itaob ang Meralco (4-6) 108-96 sa first game.

 

 

Ikinalat ni Paul Lee ang 11 sa kanyang team-high 27 points sa pivotal third, may 17 points si Calvin Abueva at 16 markers, 20 rebounds kay Nic Rakocevic sa Hotshots.

 

 

Mga iskor

Unang laro

Magnolia 108 – Lee 27, Abueva 17, Rakocevic 16, Jalalon 12, Sangalang 11, Barroca 11, Dela Rosa 6, Ahanmisi 3, Reavis 2, Corpuz 2, Laput 1, Wong 0, Dionisio 0.

Meralco 96 – McDaniels 32, Black 16, Quinto 14, Banchero 11, Johnson 9, Almazan 8, Caram 2, Hodge 2, Pascual 2, Maliksi 0, Hugnatan 0, Pasaol 0, Jose 0.

Quarters: 27-21, 46-51, 93-74, 108-96.

 

 

Pangalawang laro

Ginebra 122 – Brownlee 31, Malonzo 26, Standhardinger 20, Gray 12, Thompson 8, J.Aguilar 7, Pringle 7, Mariano 6, Tenorio 3, Pinto 2.

NorthPort 105 – Tolentino 24, Ibeh 23, Bolick 22, Navarro 11, Chan 10, Ferrer 8, Balanza 4, Taha 3, Sumang 0.

Quarter: 27-34, 63-63, 93-92, 122-105. (CARD)

Other News
  • Masyado kasing affected sa salitang ‘magnanakaw’: ANGELICA, sinabihan ang basher na sana maaral ang pagiging mabuting tao

    PINATULAN ni Angelica Panganiban sa isang basher na nag-comment sa kanyang tweet na tungkol sa pagpapahinga muna sa showbiz dahil buntis sa first baby nila ng non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.     Iniisip daw niya na mag-start ng vlog at say pa niya, “kung sakali, ano ang mga tanong/gusto niyo malaman sa panibagong […]

  • Gobyerno, maglulunsad ng kampanyang “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay”

    NAPIPINTONG ilunsad ng gobyerno ang isang kampanya para ipabatid sa publiko na maaari namang maghanapbuhay kahit may kinakaharap na pandemya. Ang kampanya ayon kay Sec. Roque na ipapa- apruba kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sa gitna na rin ng mainit na debate sa loob ng IATF at UP group na nagsasabing kinakailangan manatili pa […]

  • P28 bilyon gagastusin sa national election, plebisito sa Cha-cha

    AABOT sa P28 bilyon ang gagastahin ng pamahalaan kung isasagawa ng magkahiwalay ang pambansang halalan at plebisito sa Charter change (Cha-cha).     Sinabi ni NEDA Undersecretary for Legislative Affairs Krystal Lyn Tan Uy sa pagharap nito  sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments and Revision of Laws kaugnay sa panukalang amyendahan ang 1987 […]