• April 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ka-duet pa si Matteo para sa sikat na kantang ‘The Gift’: SARAH, natuloy na rin ang much-awaited collaboration sa American songwriter na si JIM

NANGYARI na nga ang much-awaited collaboration ni Sarah Geronimo sa American pop songwriter na si Jim Brickman at ka-duet pa niya si Matteo Guidicelli.

 

 

Sa latest vlog ni Sarah, makikita na nakikipag-usap sila ng asawang si Matteo over the phone sa sikat na pianist at radio host din.

 

 

Say ni Jim, “So I was thinking of doing a very special version of my song, ‘The Gift.’ Would you wanna sing it with me?” Na sinagot naman ni Sarah ng, “We would love to! It will be our pleasure, Jim.”

 

 

Kasunod nito, ang official video ng ‘The Gift’ na kung saan nagpi-piano si Jim, at nagdu-duet naman sina Sarah at Matteo. Nag-premiere ito sa ASAP last Sunday at nag-Top Trending sa YouTube.

 

 

Tuwang-tuwa naman ang netizens at followers at komento nila…

 

 

“Sarah never fails to deliver. Soothing sa tenga ng boses. Maybe this time, Right Here Waiting, Won’t Last A Day, You Changed My Life and many more nasa playlist ko at idadagdag ko to. Sarap lang makinig sa boses nya all day.”

 

 

“Such an angelic voice from one and only popstar royalty. She knows how to fit her voice well. Matteo’s voice is glaring as well. They are really meant for each other. What a gift!”

 

 

“Ang ganda ng rendition,pureheart lang talaga,inlove na inlove sila sa isa’t isa ramdam mo yung tinginan,grabe nakakinlove sila…thank you jim for the colab..im happy to see sarah back to singing again..hopefully live na soon.”

 

 

“Yan ang singing with a heart! Sarah G walang kupas!”

 

 

“Uy ang cute naman nito!”

 

 

“This is what actually happened. Turned out fine. Ganda ng visuals, and Sarah’s voice is so soothing.”

 

 

Pero may ilan namang nag-nega, kung bakit daw kailangan pa niyang makipag-duet kay Matteo, eh, di naman ito makasabay sa ganda ng boses ni Sarah…

 

 

“Bakit kelangan laging kasama ni Sarah si Matteo? Ok sana kung magaling din kumanta si Matteo pero trying hard singer talaga siya.”

 

 

“Oo nga hehe. As much as I love them as a couple. Sarah can do this without her husband.”

 

 

“Infairness ok naman singing voice ni Matteo napanood ko ung Destiny duet nila ni Sarah sa fb.”

 

 

“Kung mala music video lang ulit yan ay huwag na lang! Abang abang pa ko last time kala ko kagbabalik mismo sa studio ayun pala mtv premiere lang pala ng bago nyang single.”

 

 

“Hindi naman na sikat yung brickman so malamang pinoy-clout chasing.”

 

 

“How sarah and jim sings tapos sarah and matt sa MV. I dont like matteo’s singing voice. He can carry a tune peeo hindi talaga siya singer.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Challenge sa ibang loveteams na umamin na rin: RONNIE, hiyang-hiya noong itinatago pa ang relasyon nila ni LOISA

    BALIK-TAMBALAN sa pelikula sina Julia Barretto at Joshua Garcia.     Ito ang ipinahayag ni Julia sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa online channel ng batikang TV host.     “I’m going to do a movie with Josh under (production company) Black Sheep this year,” sambit ni Julia.     Sa interview ni […]

  • Abueva, nagpakitang gilas sa muling pagbabalik sa Phoenix, nilampaso ang NLEX 114-110

    BUMIDA si Calvin Abueva sa panalo ng Phoenix laban sa NLEX 114-110.   Nagtala ito ng 21 points, 13 rebounds at pitong assists para maitala ng Fuel Masters ang ikaapat na panalo sa anim na laro sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa Angeles University Foundation gym.   Sinabi nito na pinaghandaan niya ang nasabing […]

  • Bumalik sa track ang Creamline, pinabagsak ang Troopers UAI-Army

    Pinasigla ng Creamline ang opensa nito sa kahabaan upang talunin ang UAI-Army, 25-12, 25-18, 23-25, 25-23, at muling buuin ang ilang uri ng momentum para sa grand slam drive nito sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado.   Nakabawi ang Cool Smashers mula sa maagang eight-point (2-10) deficit sa fourth […]