• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaabang-abang ang pagkanta nilang tatlo: GABBY, kinumpirma na maggi-guest si KC sa concert nila ni SHARON

KAPUSO Primetime Queen is back with a Tik’Tok dance cover, at suot niya ang paborito niyang signature streetwear with matching cap.  Minsan pa ay ipinakita muli ni Marian ang smooth at effortless dance moves niya tungkol sa latest single ng BTS na “3D (featuring Jack Harlow).”

 

 

Caption ni Marian sa kanyang Instagram” “Obsession level: MAX!”  This Jungkook song has me hooked.”

 

 

Posted last Wednesday night, ang video ni Marian ay umabot na ng two million views, 300,000 likes at 2,400 comments.

 

 

Ilang beses nang nag-viral si Marian, sa pagsayaw niya ng “Price Tag,” “It’s Plenty,” at ang hit song niyang “Sabay Sabay Tayo,” among others.

 

 

Sila ng husband niyang si Dingdong Dantes, also danced together sa cover na “TootSee Roll.”

 

 

Ilang sa hits pa ni Marian ay ang trendy audio, a sweet video nila together at isa pang nagpapakita sa kanya with her chick OOTD.

 

 

Sa ngayon, nagsimula na ring mag-taping si Marian ng comeback series nila ni Gabby Concepcion na “Against All Odds.”

 

 

At nagsimula na rin sila ni Dingdong na mag-shoot ng “Rewind” movie nila ni Dingdong na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival, a feel-good family drama with touches of magical realism.

 

 

***

 

 

SI Gabby Concepcion ang nagbigay ng balita sa GMA News na “Saksi” na magiging bahagi ng ‘Dear Heart: The Concert’ nila ni Megastar Sharon Cuneta na gaganapin sa SM MOA Arena sa October 27, ang anak nilang si KC Concepcion.

 

 

“I’d like to see the three of us sing. It’s an emotional time for all of us.  So ’pag nangyari  iyon, it would be very meaningful not only for the audience but for us,” pahayag ni Gabby.

 

 

At dagdag pa niya, ibibigay nila ang kanilang makakaya para kantahin ang iba’t ibang theme song ng kanilang mga pelikula sa nalalapit nilang concert.

 

 

Sabi ay separate nagri-rehearse ng mga numbers nila sina Sharon at Gabby, paano kaya magri-rehearse si KC ng kanyang mga numbers naman with her mom and dad?

 

 

Bale tatlong shows ang concert, dahil after sa Arena, mayroon din nito sa Okada Hotel at sa Cebu, pero hindi natanong si Gabby kung kasama nila ni Sharon si KC sa tatlong shows nila.  May offer din daw sila na mag-concert din abroad pero tumanggi yata si Gabby.

 

 

Bukod sa paghahanda sa concert nila, busy rin si Gabby sa taping ng bago niyang Afternoon Prime drama series na “Stolen Life” with Carla Abellana at Beauty Gonzalez.

 

 

May taping din siya sa upcoming series nila ni Marian Rivera, ang “Against All Odds” for GMA Telebabad.

 

 

***

 

PINABULAANAN ni Shaina Magdayao na nagdadalangtao siya tulad nang napapabalita.

 

 

Kaya nag-post ng video si Shaina na umiinom siya ng isang beer in can bilang patunay na hindi siya buntis.  If true ay wala raw namang masama  dahil of age na siya.  Kung totoo raw ay hindi na niya ito idi-deny.

 

 

Nasa 28th Busan Film Festival sa Korea si Shaina nang lumabas ang balita. Naroon siya to attend the festival para sa kanyang movie na “Essential Truths of the Lake” with John Lloyd Cruz na nanalong Best Actor sa Boccalinao d’ Oro prize.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • COMELEC, MAGDARAOS NG SUMMIT

    MAGDARAOS ng tatlong araw na  Election Summit ang Commission on Election (Comelec) at kanilang mga stakeholders sa Enero 2023.     Layon ng kauna-unahang summit na mapagbuti ang pagdaraos ng halalan sa bansa, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.     Sinabi ni Garcia na nakipag kapit-bisig ang  Comelec sa lahat ng civil society organizations,  […]

  • Ads September 29, 2023

  • Ginebra pasok na sa finals ng PBA matapos ilampaso ang NLEX 112-93

    PASOK NA sa finals ng PBA Governor’s Cup ang Barangay Ginebra matapos ilampaso ang NLEX 112-93 sa best of five semifinals.     Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 47 points.     Ito na ang pang apat na beses na makapasok ang Ginebra sa Governors Cup finals sa huling […]