• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kadiwa outlets ng Marcos administration, nakapagsilbi ng 1.22-M households

INIULAT  ng Office of the Press Secretary (OPS) na nasa 1.22 million households ang napagsilbihan ng Marcos administration sa mga Kadiwa outlets.
As of November nitong taon nakapagtala ng P418 million na kita ang 19, 383 Kadiwa selling activities ng pamahalaan.
Naka-benepisyo naman dito ang 450 farmer cooperatives and associations (FCAs) at agri-fishery enterprises sa buong bansa.
Sa ilalim ng Kadiwa ng Pasko caravan, nilayon ng administrasyon na ipagpatuloy ito pagkatapos ng holiday.
Napag-alaman na mahigit P15 milyon ang nalikom na benta as of Disyembre 11.
Bukod sa paglalagay ng mga Kadiwa outlet, ang gobyerno ay nagpatakbo ng mga Agri-Pinoy Trading Centers (APTCs) at Diskuwento Caravans upang patatagin ang mga suplay at presyo ng asukal.
Kung maalala, ang Department of Agriculture (DA) ay nagpapatakbo ng 15 APTC sa buong bansa, na nakikinabang sa 219,201 magsasaka at mangingisda.
Upang mapababa ang gastos sa transportasyon para sa pagkain at iba pang pangunahing bilihin, isinagawa ng administrasyong Marcos ang Unified Logistics Pass (ULP), na naglalayong mapadali ang tuluy-tuloy na paggalaw ng mga trak na nagdadala ng mga produktong agrikultural at iba pang pangunahing bilihin.
Nagpataw din ang gobyerno ng moratorium sa pangongolekta ng pass-through fees at nagtayo ng mas maraming rural infrastructure.
Other News
  • ‘Red flag’ itinaas ng DOH sa pagsirit ng COVID-19 cases

    Nakatakdang pulu­ngin ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.     Inamin ni Philippine General Hospital spokesperson Jonas del Rosario na nakararanas sila ngayon ng “red flag” dahil sa pagsirit ng mga kaso sa maigsing panahon. […]

  • President Duterte unveiled new train sets ng MRT 7

    Pinanguhan ni President Rodrigo Durterte noong nakaraang Huwebes ang unveiling ng mga bagong train sets para sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) na magbubukas sa huling quarter ng 2022.     Ang bagong MRT 7 ay isang world-class na transportasyon at inaasahang makakatulong upang maging mas productive ang mga mangangawa at […]

  • Ads November 25, 2020