• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KADIWA outlets ng NIA, nagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas

BILANG pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa maraming tulong na ipinagkaloob sa mga magsasaka para itaas ang kanilang produksyon, nagsimula na ang mga irrigators na magbenta ng kasing baba ng P20 kada kilo ng bigas sa Kadiwa outlets ng National Irrigation Administration (NIA).

 

 

“This was made possible by the irrigators’ association benefitting from government support and now sells the staple as an act of gratitude,” ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

“Inisyatibo po ito ng ating mga irrigators association. Sabi nila noong kinakausap ko sila, bilang pasasalamat nila [ito] sa napakarami nilang tinatanggap na mga ayuda sa gobyerno natin. Nag-o-offer din sila ng P20 na bigas,” ayon pa rin kay Guillen.

 

 

“Sabi ko, ‘Hindi ba kayo lugi niyan?’ ‘Ah, hindi’ sabi nila kasi, again, ang input cost, simple math lang po ‘no – ang cost ng inbred, ‘pag nagtanim ka ng inbred is P30,000; ang yield nila is P5,000,” aniya pa rin sabay sabing “if NFA’s 63-percent formula is used, there will be around P10 peso production cost for every kilo of rice and farmers can earn 100-percent profit, even doubling the cost.

 

 

Sa kabilang dako, nakatakdang magbenta ang NIA ng bigas sa halagang 29 pesos kada kilo simula sa buwan ng Agosto.

 

 

Layunin nito na makapagbigay ng abot-kayang bigas sa publiko.

 

 

Winika ni Guillen, inaasahang makakapag produce ng 100 kilo ng bigas sa buwan ng Agosto sa pamamagitan ng proyektong contract farming ng NIA kasama ang mga irrigators association.

 

 

Ibebenta ang P29.00 na bigas sa mga KADIWA store sa ilang key cities tulad ng Kalakhang Maynila.

 

 

“In fact, ang aming estimate diyan, mga nasa P29 puwede na kaming magbenta, by August naman kami. And we have around 100 million kilos of rice na projected na ma-produce po natin by August,” ang tinuran ni Guillen.

 

 

“Iyon po ang target ng DA, iyon po ang target natin. Sabi ng DA (Department of Agriculture), July may supply sila pero ang NIA, by August po kami, iyong P29 na bigas,” aniya pa rin.

 

 

Maaari namang limitahan ang bawat pamilya sa pagbili ng hanggang sampung kilo ng bigas.

 

 

Ang Kadiwa ay isa sa mga programa ng administrasyong Marcos na tumutugon sa tumataas na presyo ng pagkain.

 

 

Binibigyan din nito ang mga magsasaka, mangingisda at maging ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) rent-free venues para magenta ng kanilang mga ginawa at itaas ang kanilang kita.

 

 

“It is a market linkage facilitation program that removed the unnecessary layers in the trading cycle, thereby offering products at much lower prices,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

Other News
  • Ilang mga government websites at bangko sa Ukraine nabiktima ng cyber-attacks mula sa Russia

    NAKARANAS ngayon ng malawakang cyberattack ang Ukraine kung saan tinamaan ang mga government websites.     Ayon kay Deputy Prime Minister Mykailo Fyodorov, na bukod sa mga government websites ay may ilang bangko rin ang nabikitma ng nasabing cyberattacks.     Inakusahan din nila ang Russia na sila ang nasa likod ng cyber-attacks.     […]

  • PBBM, pinagtibay ang ugnayan sa Estados Unidos, itinaon sa pagdiriwang ng Philippine-American friendship day

    PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos kasabay ng pagdiriwang Amerika ng kanilang Independence Day.     Nagkataon naman ito sa Philippine-American Friendship Day.     Sa isang tweet, inilarawan ng Pangulo ang Philippines-US relations bilang  “deep connection… built on the foundation of trust and collaboration.”     “As […]

  • Biyudo kulong sa P170K shabu at baril

    Bagsak sa kulungan ang isang 51-anyos na biyudo matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Marcelo Amor, (watchlisted) ng 252 Abby Road 2, Brgy. 73. […]