Biyudo kulong sa P170K shabu at baril
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
Bagsak sa kulungan ang isang 51-anyos na biyudo matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Marcelo Amor, (watchlisted) ng 252 Abby Road 2, Brgy. 73.
Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ng infomation report ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa Intelligence Section ng Caloocan police hinggil sa umano’y ilegal aktibidad ng suspek kaya’t isinailalim ito sa surveillance operation.
Dakong 3:50 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra sa suspek sa Abbey Road 2, Brgy. 73 kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makaorder sa suspek ng P10,000 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga, cellphone, improvised/homemade handgun, 3 bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 9 piraso boodle/money. (Richard Mesa)
-
PS-DBM pinabubuwag sa Senado
PABOR si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na buwagin ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) na sangkot sa pagbili ng P2.4 bilyon na umano’y maanomalyang laptops noong 20221. Sinabi ni Pimentel, na ang PS-DBM ay tagong departamento ng DBM at ang kanilang pinuno ay hindi dumaraan […]
-
DOH pinaghahanda sa lalo pang maluwang na Alert Level 2
Pinaghahanda na ng Department of Health ang lahat ng local government units (LGUs) sa Pilipinas na maghanda sa dahan-dahang pagluluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions kasunod ng lalong pagbaba ng mga kaso nationwide. Ang nabanggit ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos banggitin ni Interior spokesperson Jonathan Malaya na posibleng ilagay […]
-
Omicron variant nakakamatay pa rin para sa mga vulnerable, ‘di pa bakunado vs COVID-19 – expert
Pinaalalahanan ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana ang publiko na nakakamatay pa rin ang Omicron variant sa harap ng mga reports na ito raw ay less fatal kumpara sa ibang variants ng COVID-19. Ayon kay Salvana, maaring mas less deadly ang Omicron kumpara sa Delta variant pero maari pa rin […]