• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kagawad arestado sa panunutok at pagpapaputok ng baril sa Malabon

DINAKIP ng pulisya ang 63-anyos na Kagawad ng barangay matapos ireklamo sa panunutok at pagpapaputok ng baril ng kanyang ka-lugar sa Malabon City.

 

 

 

 

Kusang isinuko ni alyas “Kagawad Jaime” residente ng Karisma Village, Brgy. Panghulo, ang kanyang lisensiyadong kalibre .45 baril na may kalakip na “permit to carry outside residence” sa mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nagresponde sa sumbong ng nagaganap na walang habas na pagpapaputok ng baril dakong alas-4 ng madaling araw sa Road 1, Karisma Village.

 

 

 

 

Sa imbestigasyon ng pulisya, may okasyon sa bahay ng 28-anyos na si alyas “Karl” sa Blk 4 kaya nagamit nila ang kalsada sa Road 1 para sa pag-iinuman ng mga bisita nang dumaan ang kagawad at sinita umano ang mga nag-iinuman.

 

 

 

Nagkaroon umano ng pagtatalo hanggang umuwi ang suspek at nang bumalik, dito na narinig ng mga residente sa lugar ang sunod-sunod na putok ng baril.

 

 

 

Nakuhanan pa ng video ng nakatatandang kapatid na babae ni ‘Karl’ ang kagawad habang hawak ang baril at nagtatatalak sa harap ng bahay ng biktima.

 

 

 

Nakuha rin ng mga nagrespondeng tauhan ng Malabon Police Sub-Station-3 ang anim na basyo at dalawang depormadong bala ng kalibre .45 baril na dahilan naging upang arestuhin ang suspek.

 

 

 

Inihahanda na ng mga tauhan ni Col. Baybayan ang pagsasampa ng mga kasong Grave Threat at Alarm and Scandal laban sa Kagawad ng barangay sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga menor-de-edad sa Navotas, bawal pa rin lumabas

    HINDI pa maaring gumala ang mga menor-de-edad sa Lungsod ng Navotas dahil tuloy ang 24-oras na curfew para sa kanila sa kabila ng pasya ng Inter- Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na payagan na ang mga may edad 15-65 na umalis ng bahay.   “We want our children to stay […]

  • [HORROR STORY] ANG LIBING Kuwento ni: Rey Ang

    KALIMITAN ay madaling-araw na kung makauwi si Max mula sa pinapasukang convenient store sa bayan ng Lucban, Quezon.  Mabuti na lamang at may nagagamit siyang electronic bike na nagsisilbi niyang service pagpasok at pag-uwi. Sa palagiang pag-uwi ng madaling-araw ay nasanay na si Max na bagtasin ang Mabini Street patungo sa kanilang bahay sa Barangay […]

  • Nasita sa face mask, babae kulong sa shabu sa Valenzuela

    BALIK-SELDA ang isang 47-anyos na babae matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Sub-Station 6 commander P/Lt. Armando Delima ang naarestong suspek na si Rowena Bularon, 47 ng Urrutia St., Brgy., Malanday.     Sa report ni […]