• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kagyat na tugunan ang terorismo, cybercrime

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong hinirang na Philippine National Police (PNP) chief Major General Rommel Francisco Marbil na tulungan ang gobyerno na tugunan ang mga sumusulpot na banta sa kapayapaan at kaayusan sa bansa.

 

 

Sa isang seremonya para sa PNP change of command na idinaos sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos kay Marbil na “You have my full confidence and my full support, as you begin to champion a police that is pro-God, pro-country, pro-people, pro-environment. Let us work closely with you in addressing emerging threats, such as cybercrime, terrorism, and transnational crimes.”

 

 

Sinabi pa ng Chief Executive na kailangang tiyakin ng PNP ang “highest standards of professionalism” at magbigay ng pinakamahusay na serbisyo sa mga mamamayan.

 

 

“Let us now ensure that the PNP will be agents of progressive transformation in the lives of our people by ensuring the safety and well-being of every community in the land,” dagdag na wika nito.

 

 

Nasungkit ni Marbil ang pinakamataas na posisyon sa PNP matapos na opisyal ang pagreretiro sa serbisyo si General Benjamin Acorda, ngayong araw ng Lunes, Abril 1, tatlong buwan matapos na I-extend ni Pangulong Marcos ang kanyang termino.

 

 

Bago pa itinalaga si Marbil bilang hepe ng PNP, itinalaga muna ito bilang officer-in-charge ng Directorate for Comptrollership ng institusyon.

 

 

Nagsilbi rin si Marbil bilang police director of Eastern Visayas.

 

 

Araw ng Linggo, inanunsyo ng Malakanyang na itinalaga si Lieutenant General Emmanuel Baloloy Peralta bilang PNP officer-in-charge habang nakabinbin ang pag-exit ni Acorda subalit hindi naman nagtagal ay kaagad naman siyang pinalitan ni Marbil, kung saan ang designasyon ay inihayag sa seremonya sa PNP headquarters sa Camp Crame at pagkatapos ay nanumpa sa tungkulin sa kaparehong event.

 

 

Si Marbil ay pang-30 hepe ng PNP.

Other News
  • Channing Tatum Says His New Movie Was Inspired By Road Trip With His Dying Dog

    AMERICAN actor and producer Channing Tatum said that his new film, Dog, was inspired by the last road trip he took with his dying dog, Lulu.      Dog is an American comedy, now showing in theaters, and will mark Tatum’s directorial debut.  It also marks his return to acting, after he stepped out of the spotlight […]

  • Ads May 1, 2024

  • ARTA chief, susundin ang suspension order

    SUSUNDIN ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica ang suspension order na ipinalabas ng Office of the Ombudsman sa gitna ng graft complaints laban sa kanya at sa apat na opisyal ng ARTA na isinampa ng telecommunication company.     Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension laban […]