• October 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahalagahan ng Agosto 21‘wag kalimutan

 

MARIING hinikayat ni dating Manila Mayor at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang kahalagahan ng Agosto 21 sa kasaysayan ng ating bansa tulad nang pagpapasabog sa Plaza Miranda noong 1971 at ang pagpatay kay da­ting senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. noong 1983.

 

 

 

 

“Dapat tayong mga Pilipino ay huwag kalimutan ang Agosto 21 na isang araw ng kapighatian. Alalahanin natin ang kahalagahan ng dalawang pangyayaring ito sa ating kasaysayan bilang isang bansa,” ayon pa kay Atienza.

 

 

Malinaw na rin aniya na ang Plaza Miranda bombing ay pinlano at isinagawa ng mga kaaway ng estado, ang New People’s Army (NPA), ayon sa mga umamin sa pakana ng malupit na pag-atake gamit ang granada sa mga miyembro ng oposisyon at hindi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na siyang unang inakala ng marami.

 

 

Bilang dating alkalde ng Maynila, sinabi ni Atienza na hinukay nila ang katotohanan kaya natiyak niya na ang NPA ang may sala sa mababang uri ng pag-atake sa Liberal Party rally, kung saan siya ay isang batang kandidato para sa City Council.

 

 

Ang pagpapalit din ng petsa ng pag-alala sa pagkamatay ni Ninoy na mula sa Agosto 21 at inilipat sa Agosto 23 ay hindi nakakababa sa halaga ng kanyang sakripisyo at patriotismo.

 

 

Dagdag pa ni Atienza, palagi nating alalahanin ito ng may pagmamahal at manatili itong buhay sa ating mga puso at isipan.

Other News
  • MARCOS NAIS DAGDAGAN ANG MGA SUCs SA BANSA

    Isusulong ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makapagpatayo pa ng maraming State Universities and Colleges (SUCs) sa mga lalawigan upang mas mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Pilipino na makapag-aral.       Binigyang-diin ni Marcos na kailangang unahin ang edukasyon sa bansa kaya ang pagpapatayo ng dagdag pang […]

  • Mga manlalaro asikaso maski may pandemya

    LABIS na nalungkot pero naging pagsubok kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch’ Ramirez ang sinapit ng mga national athlete at mga kawani ng ahensya sa hirap na dulot at epekto ng Coronavirus Disease 2019.   “After the 30th Southeast Asian Games last year, we have resolved many gaps, which are now over,” ayon […]

  • Tiyak na ikalulungkot ng mga nagpapantasya… DAVID, ‘di na papayagang maghubad o magpa-sexy

    TIYAK na ikalulungkot ng mga bakla at nagpapantasya ang ibabalita namin… hindi na magpapaseksi si David Licauco.   Dahil kasi sa tagumpay ng “Maria Clara At Ibarra” at sa consistent na pagti-trending ni David bilang ‘Pambansang Ginoo’ na si Fidel sa top-rating historical serye ng GMA ay lumaki o dumami ang mga batang fans ng […]