• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahalagahan ng PiliPinas Forum 2022, ipinaliwanag ng Comelec

IPINALIWANAG ni Comelec Commissioner George Garcia ang kahalagahan ng kanilang isasagawang PiliPinas Forum 2022 ngayon sa pakikipagtulungan sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).

 

 

Ito ay sa matapos na i-anunsyo ng komisyon na anim sa sampung presidentiables habang apat naman sa siyam na vice presidentiables ang kumpirmadong makikilahok sa nasabing forum.

 

 

Ayon kay Garcia, hindi man makumpleto ang mga kandidatong magkukumpirma ng kanilang pagdalo sa naturang event ay una nang napagkasunduan ng Comelec na ipagpatuloy ito.

 

 

Ito ay kahit iilan lamang daw o kahit iisang tao lang ang magsabing lalahok sa nasabing aktibidad.

 

 

Tungkulin at pangako kasi aniya ito ng komisyon hindi lamang sa mga kandidato kundi pati na rin sa lahat ng mga Pilipino.

 

 

Paliwanag ng commissioner, mahalaga ang nasabing forum dahil ito aniya ang pinakahuling pagkakataon na maririnig ng mga kababayan natin ang kanilang mga plano para sa bansa.

 

 

Sa lawak kasi aniya ng nasasakupan ng KBP na mayroong isang libong member stations sa bansa ay sinabi ni Garcia na sa tulong nito ay maipaparating ng mga kandadidato ang kanilang mga mensahe para sa lahat na maaaaring magpabago sa kanilang kaisipan kung sino ang kanilang iboboto para sa darating na halalan.

Other News
  • LIMA KATAO INARESTO SA ABORTION

    LIMANG katao ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag-oopera sa isang abortion clinic sa Cebu City.     Kinilala ang mga naaresto ni NBIĀ  OIC – Director Eric B. Distor na sina Joey Paulino Guirigay ; Francisca Abatayo Rebamonte; Gloria Dalogdog Gabuti; Meryteissie Pode Rural at Amparo Lumagbas […]

  • Sec. Roque, nananatiling malusog at wala umanong anumang sintomas ng Covid-19

    NANANATILING nasa maayos ang pangangatawan at walang nararamdaman na anumang sintomas ng Covid-19 si Presidential Spokesperson Harry Roque.   Kamakailan kasi ay nakasalamuha ni Sec. Roque ang kanyang staff na nagpositibo sa covid19.   Aniya, tanging precautionary measure o pangangalaga sa katawan ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ngayon upang masiguro na nananatiling nasa maayos na […]

  • BANGKAY NG LALAKI LUMUTANG SA ILOG SA NAVOTAS

    BANGKAY na nang matagpuan ang isang lalaking hindi na nakauwi sa kanilang bahay matapos magsabi sa kanyang pamilya na mangingisda lamang siya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, kinilala ang biktima bilang si certain Jaymark Panganiban, nasa 25-30 ang edad at nakatira sa Judge Roldan […]