KAHIRAPAN, MALALA SA VIRUS
- Published on February 18, 2020
- by @peoplesbalita
MAHIGIT limang milyong manggagawa sa bansa ang apektado ng coronavirus disease (COVID-19), kabilang sila sa mga nagtatrabaho sa in-dustriya ng turismo.
Napag-alaman na marami na ang nagkansela ng hotel bookings sa iba’t ibang tourism destination sa Pilipinas. Pinakamatinding apektado ang isla ng Boracay kung saan aabot nang hanggang 60 porsiyento sa mga hotel booking ang kinansela ng mga turista.
Pumapangalawa ang Bohol, na isa sa mga lugar na binisita ng ikalawang confirmed case ng COVID-19 sa bansa.
Ang mga hotel naman sa Cebu ay lugi na umano ng P100 milyon mula nang ipinatupad ang travel ban sa China, Hong Kong, Macau at Taiwan.
Samantala, may mga kumpanyang specialized sa China markets ang pansamantalang hindi muna nag-o-operate habang may ilan naman na tuluyan nang nagsara.
At sa mahigit limang milyong manggagawa, isipin na lang natin kung gaano pa karami ang pamilyang apektado. Paano na ang pang-araw-araw na pagkain, gastos sa eskuwela at iba pang pangangailangan?
Malinaw na hindi lang COVID-19 ang dapat nating labanan kundi maging ang banta ng kahirapan.
Kailangan nang makaisip ng mga alternatibong mapag-kakakitaan. Hindi naman problema ang abilidad dahil likas sa ating mga Pinoy ang pagiging madiskarte. Ang kailangan lang sa ngayon ay oportunidad at suporta mula sa ating gobyerno.
-
Developing Possibilities with Vibe Technologies
After over a decade of delivering innovation to its partners, Vibe Technologies was officially launched before the public and the media. Vibe, which stands for Vibal Interactive Book Engine, has come a long way from being an affiliate company of the renowned print and publishing company Vibal Group. Spearheading numerous initiatives that respond to the […]
-
PBBM, Cabinet, tinalakay ang pag-upgrade sa workforce skills sa Pinas
TINALAKAY nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at miyembro ng kanyang gabinete ang ilang inisyatiba na mag-upgrade sa worforce skills sa Pilipinas Ang pag-upgrade sa kasanayan ng mga manggagawang Filipino ay bahagi ng agenda ng ninth Cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Marcos sa Malacañan Palace, Martes ng umaga. Sa press briefing, […]
-
Gilas Pilipinas nasa unang puwesto na matapos ma-sweep ang Thailand
Nasa unang puwesto na sa Group A ng FIBA Asia Cup ang Gilas Pilipinas matapos talunin ang Thailand, 93-69. Mayroon na kasing tatlong panalo at wala pang talo ang Gilas. Sa simula pa lamang ng laro ay umarangkada na ang national players ng bansa sa laro na ginanap sa Manama, Bahrain. Hindi […]