Kahit ilang buwan nang naghiwalay… DANIEL, ‘di kinalimutang batiin ng ‘hapy birthday’ si KATHRYN
- Published on March 28, 2024
- by @peoplesbalita
KAHIT naghiwalay na, hindi kinalimutan ni Daniel Padilla na batiin ang kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo na nagdiwang ng kaarawan.
Nitong hatinggabi ng Martes, nag-post sa Instagram si Daniel ng isang graphic image nila ng dating nobya na may Japanese character na nagsasaad ng “Happy birthday to you.”
May sunflower emoji sa nakalagay sa ibabang bahagi ng kaniyang IG story na indikasyon na para kay Kathryn ang pagbati.
November 2023 nang ianunsyo ng dalawa ang kanilang paghihiwalay matapos ang 11 taong relasyon.
Hindi nila binanggit ang dahilan ng kanilang paghihiwalay pero mapapansin pa rin ang respeto nila sa isa’t isa sa kanilang mga inilabas na pahayag.
Ayon kay Kathryn, sinubukan nila ni Daniel na ayusin ang kanilang relasyon.
“We ultimately had to accept that we can’t go back to where we used to be. It just won’t be fair to pretend that everything is still the same.”
Nagpasalamat si Kathryn sa patuloy na suportang ibinibigay sa kanila ng fans habang pinoproseso nila ni Daniel ang kanilang break-up.
“Our love story began with respect and ended with respect,” sabi niya.
Si Daniel, inihayag na mananatili ang pagmamahal niya kay Kathryn.
“Bal, ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan,” sey ng binata.
Dalawang buwan matapos ang kanilang breakup, in-unfollow ng aktres si Daniel sa Instagram.
***
BUKOD kay Marian Rivera, isang Kapamilya actor ang nais na makatrabaho ni Carla Abellana.
Sa latest YouTube vlog ni Carla na bisita niya si Alex Gonzaga, sinagot ng dalawa ang ilang tanong para sa “Truth or Truth” video.
Kabilang sa mga tanong na kanilang sinagot ay: Who do you want to work with in the future?
“Marian Rivera, why not? Bilang lagi ko namang sinasabi, same lang kami ng manager,” sagot ni Carla.
Idinagdag pa ng Kapuso actress: “Papa P, isa ‘yan sa mga nasasabi ko. Piolo Pascual. Mga dream kong maka-work.”
Nitong nakaraang Enero, nag-renew ng kontrata si Carla sa Kapuso Network.
After ng “Stolen Life”, bibida naman si Carla sa GMA murder mystery series na “Widows’ War” kasama si Bea Alonzo at Gabbi Garcia.
***
HAPPY si Andi Eigenmann na naipakita niya sa kanyang kapatid na si Gwen Ilagan ang kanyang buhay sa Siargao na hindi nila nagawa ng kanilang namayapang ina na si Jaclyn Jose.
Sa Instagram, nag-post si Andi ng mga larawan habang nagbabakasyon si Gwen sa Siargao matapos ang inurnment ng kanilang ina.
“An introduction to the island life for my (not so) little brother. It did not happen in the circumstance we had hoped for, but I’m glad to finally do this nonetheless,” saad ni Andi sa caption niya sa post.
“Nanay never made it, but I would like to believe she lovingly watched over us from her paradise. After all, all I can do now is to believe,” sey ni Andi.
March 2 nang biglang bawian ng buhay si Jaclyn dahil sa sakit sa puso.
Sa huli, nagbigay ng paalala si Andi patungkol sa mga mahal sa buhay: “Life is uncertain. Look after your people. Hug them. Love them. Cherish them. Hold your loved ones close.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
Alamin sa mga organizers ng Maginhawa community pantry kung saan napunta ang kanilang dinonate na pera
KAILANGANG alamin ng mga taong nagbibigay ng pera bilang donasyon sa mga organizers ng Manginhawa community pantry kung saan napupunta ang kanilang donasyon lalo pa’t may ulat na may mga organizers ang di umano’y nau-ugnay sa communist rebel group. Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy na labis na nakababahala ang fundraising account […]
-
Umano’y massive dropout sa online class, pinabulaanan ng DepEd
Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang ulat na maraming estudyante ang nag-dropout sa mga paaralan dahil sa mga hamon sa distance learning. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, pinaberipika niya ang report sa kanilang mga regional offices, ngunit wala aniyang nagkumpirma na maraming estudyanteng nag-dropout sa kanilang online class. Karaniwan […]
-
Malakanyang, ayaw makisawsaw sa panibagong girian sa liderato ng Kamara
DEDMA lang ang Malakanyang sa umanoy pag-init na naman nang tunggalian sa pagitan ni House Speaker Alan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang mga kongresista lamang ang dapat na magresolba nang usapin at kung ano ang kasunduan na nabuo ang dapat sundin. Wala ring nakikitang […]