• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit inilibing na: KOBE, GIANNA PUBLIC MEMORIAL SA STAPLES MAY BAYAD

INIHATID na umano sa kanilang huling hantungan ang mag-amang Kobe at Gianna Bryant dalawang linggo matapos masawi sa isang helicopter crash sa California.

 

Batay sa ulat sa US media, naging pribado lamang ang seremonya ng paglilibing na isinagawa sa Corona Del Mar, California nitong Pebrero 7.

 

“Vanessa and the family wanted a private service to mourn their loss,” ayon sa source. “The ceremony was extremely hard for everyone as it’s still hard for them to grasp they lost two beautiful souls.”

 

Tuloy naman ang idaraos na public memorial sa Pebrero 24 sa Staples Center na siyang home court ng Los Angeles Lakers, na naging koponan ni Kobe sa kanyang 20-year career sa NBA.

 

Sinasabing simboliko ang nasabing petsa sapagkat mistulang tribute ito sa No. 2 basketball jersey na isinuot ni Gianna at sa No. 24 na ginamit naman ni Kobe bilang miyembro ng Lakers.

 

Pero bago ito masilayan, kailangan munang bumili ng ticket dahil ayon sa naunang report ay pamilya, kaibigan, NBA officials, players, season ticket holders at local politicians lamang ang may ekslusibong pass upang makapasok nang hindi na kailangan nito.

 

Ang iba naman daw na nagnanais na masilayan ang public memorial ng yumaong basketball icon ay kailangan munang magkaroon ng ticket bago makapasok sa Staples Center.

 

Dahil 20,000 lang kasi ang upuan na kayang ma-accommodate ng stadium kaya kailangan itong kontrolin para maging maayos ang okasyon dahil halos 100,000 supporters ang nagnanais na makapasok at makita ang “Mamba”.
Hindi pa tiyak kung paano makakakuha ng ticket ang publiko pero tiniyak naman ng management ng Staples Center na hindi nila isasara ang stadium para sa mga taong nasi maging bahagi ng memorial.

 

Abiso rin ng ibang mga law enforcement na nakapalibot sa stadium na ang hindi makapapasok ay maaaring panoorin sa TV ang memorial ni Kobe.

 

Maalalang nasawi sina Kobe, Gianna, at pitong iba pa sa pagbagsak ng sinakyan nilang helicopter sa Calabasas, California nitong Enero 26.

 

Nagpahayag ng saloobin ang asawa ng basketbolistang si Vanessa sa kanyang Instagram nitong Lunes.

 

“My brain refuses to accept that both Kobe and Gigi are gone.” Madamdaming saad nito. “It’s like I’m trying to process Kobe being gone but my body refuses to accept my Gigi will never come back to me. It feels wrong. Why should I be able to wake up another day when my baby girl isn’t being able to have that opportunity?! I’m so mad. She had so much life to live. Then I realize I need to be strong and be here for my 3 daughters.”

 

Inaasahang aabutin ng isang taon bago matapos ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Other News
  • Ugas handang bigyan ng rematch si Pacquiao

    Handang bigyan ni Cuban champion Yordenis Ugas si Manny Pacquiao ng rematch.     Sinabi nito na malaki pa rin ang respeto nito sa fighting senator.   Dalawang daan porsyento aniya na ito ay hindi magdadalawang isip na bigyan si Pacquiao ng rematch.     Magugunitang nakuha ni Ugas ang unanimous decision na panalo kay […]

  • PRC, hinikayat ang mga Bulakenyo na makiisa sa pagtaguyod ng mga makataong serbisyo

    UPANG mahikayat ang mga Bulakenyo sa pakikilahok at pagtataguyod ng mga serbisyong makatao, idinaos ng Philippine Red Cross – Bulacan Chapter ang Walk for Humanity kung saan humigit-kumulang 4,100 Bulakenyo ang lumahok sa martsa na nagsimula sa Malolos Sports and Convention Center hanggang Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.     Alinsunod sa temang […]

  • Diplomatic relations, naiisip na paraan ng gobyerno

    GAGAMITIN ng gobyerno ang diplomatic relation para makakuha ng AstraZeneca vaccine.   Ito’y upang masiguro na hindi mabibitin sa pagtuturok ng ikalawang dose ang mga naturukan ng Astrazeneca sa harap ng umano’y pagkakaantala sa pagdating ng mga bakuna mula sa COVAX Facility.   Ayon kay Chief Implementer at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, may problema […]