• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit katapat nito ang pinag-uusapang ‘Darna’: Fantaserye ni RURU na ‘Lolong’, pataaas pa rin nang pataas ang rating

BONGGA si Jillian Ward dahil nabigyan na siya agad ng GMA-7 ng isang napakabonggang role.

 

 

Gagampanan ni Jiliian ang isang genius young doctor sa bagong GMA Afternoon Prime, ang “Abot Kamay na Pangarap.”

 

 

Noong bata raw siya, around five years old, kapag tinatanong siya kung ano ang dream niya, ang sagot niya palagi, ‘To be a doctor and artista.’ Pero na-realize raw ni Jillian, teleserye pa lang, pero ang hirap daw pala talaga.

 

 

Sobra raw daming mine-memorize at dapat siyempre, kahit serye lang, kailangan accurate lahat ng sasabihin niya. Nag-immersion at nanood daw ng mga medical drama si Jillian bilang preparasyon niya sa role.

 

 

Naalala naman namin sa presscon ng ‘Prima Donnas’ dati na kitang-kita sa mukha ni Jiliian ang excitement sa bago niyang teleserye, pero hindi niya pa ma-reveal noon kung ano. Pero sey niya, talagang kakaiba ‘yung character na gagampanan niya.

 

 

So, totoo nga naman. Pero inamin nitong kinabahan din daw siya nang malaman niya.

 

 

Sey niya, “Siyempre po, sa totoo lang, sobrang kinakabahan ako. Super challenging ang role ko and I want to thank GMA for giving me their trust and this kind of opportunity. Sa taping, I always ask them kung tama ba ang ginagawa ko. I’m so happy to work with the people around me na sobrang supportive.”

 

 

Ngayong Lunes na, after ng ‘Eat Bulaga’ ang pilot episode ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’. Kasama rin dito ni Jillian sina Carmina Villarroel, Richard Yap at ang bagong Sparkle artist na si Jeff Moses bilang bagong leading man ni Jillian.

 

 

***

 

 

MAY dahilan para maging masaya talaga ang Kapuso actor na si Ruru Madrid.

 

 

Aba, parehong ang lovelife niya with Bianca Umali at ang kanyang GMA Telebabad serye mula sa GMA News and Current Affairs na “Lolong” ay consistent top-rater ng network.

 

 

Kahit na may katapat itong masasabing subok na sa paglipad sa rating sa mga nakaraang adaptation nito, ang “Darna,” tila pataaas pa rin ng pataas sa rating ang pinagbibidahang fantaserye ni Ruru.

 

 

Nitong Huwebes (August 25), naitala ng ‘Lolong’ ang highest rating nito sa ngayon na combined people rating na 18.7 percent. Habang kalahati lang sa percentage ang nakuha ng katapat niyang programa.

 

 

Obviously, marami talagang viewers ang hooked sa kuwento ni Lolong. Pati nga mga bata ay bukambibig na si Lolong at ang BFF nitong si Dakila. At kahit ang cast, aminadong tinatawag na sila ng tao sa kanilang karakter sa serye, proof na pinapanood at sinusubaybayan nga sila.

 

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Chiz sa LTO: Tukuyin may-ari ng SUV na may plate number 7

    PINALALANTAD ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang may-ari at driver ng sports utility vehicle na may plate number 7 na pumasok sa exclusive bus lane at tinangka pang managasa ng isang babaeng traffic enforcer. Kinalampag din ni Escudero ang Land Transportation Office (LTO) para matukoy ang may-ari at gumagamit ng sasakyan.     “I […]

  • PDu30 kay Bato: It’d be good to have a military man as next president

    INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “last minute” nang ang ruling PDP-Laban na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na patakbuhin bilang presidential candidate sa May 2022 elections.   Ang pag-amin ng Pangulo ay sinabi nito sa kanyang naging pagbisita kay televangelist Apollo Quiboloy sa Davao City, araw ng Biyernes ilang oras matapos na […]

  • Kasabay ng pagiging fashion icon: HEART, ibibigay ang lahat nang kaya niyang gawin

    MALUWAG na tinanggap ni Heart Evangelista ang bago niyang tungkulin bilang presidente ng Senate Spouses Foundation, at nangakong manggagaling sa puso ang kaniyang mga gagawin.         Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa ’24 Oras Weekend’ nitong Sabado, sinabing alam ni Heart na marami siyang matutulungan sa bago niyang role.   […]