• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KAHIT MAY PANDEMYA, ELEKSIYON TULOY

SA kabila ng pandemya dulot ng COVID-19, itutuloy pa rin ang 2022 presidential polls sa itinakdang petsa.

 

 

Ito ang sinabi Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang interview sa radyo.

 

 

Tiniyak ng poll chief sa publiko na gaganapin pa rin ang halalan sa May 9,2022 .

 

 

Sinabi pa ni Jimenez na walang dahilan para hindi matuloy ang halalan.

 

 

Inaasahan anang opisyal na gagawin ang halalan sa kalagitnaan ng pandemya kung saan hindi pa tiyak na maaabot ang  herd immunity.

 

 

Samantala, sinabi ni Jimenez na ang bilang ng precincts para sa halalang 2022 ay 110,000 na mas mataas  sa  84,000 precincts noong  2019 election kung saan ipatutupad  ang social distancing.

 

 

Bukod sa paglalagay ng mga karagdagang presinto, sinabi ni Jimenez na posibleng  palawakin ng Comelec  ang absentee voting na nagpapahintulot sa mga indibidwal na bumoto nang maaga sa araw ng halalan, limitado lamang ito sa pagboto ng mga tumatakbo para sa pambansang posisyon.

 

 

Sa ganitong paraan ay mabawasan ang pagdagsa ng mga botante sa mga polling precincts at mas madali itong mapamahalaan. (GENE ADSUARA)

Other News
  • United Clark, umaayaw sa Philippines Football League

    Umatras ang United Clark na sumali sa second half ng Philippines Football League (PFL) season.   Sinabi ng club noong Huwebes na kailangan nitong bawiin ang pakikilahok nito habang nasa isang ligal na labanan sa isang grupo ng pamumuhunan sa Singapore dahil sa hindi nabayarang mga bayarin, na nakaapekto sa mga operasyon nito.   “Gustong […]

  • Pagbaril ng senglot na parak sa leeg ng 52-anyos na ale ‘hindi isolated case’ — DILG

    Maaaring mas madalas pa kaysa sa gustong aminin ng gobyerno ang mga nangyayaring karumal-dumal na pagpatay ng mga kawani ng Philippine National Police sa mga sibilyan, pag-amin ng Department of the Interior and Local Government.     Martes lang nang arestuhin si Police M/Sgt. Hensie Zinampan, na nakuhanan ng video nang patayin ang nakaalitang 52-anyos na si […]

  • Galvez nag-sorry sa mga ‘lapses’ sa protocols sa dolomite beach

    Humingi ng paumanhin sa publiko si National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Manila Bay.     Pinangangambahan kasi ng ilang health experts na maging super spreader event ang pagpunta ng libu-libong katao sa white sand area ng Manila […]