• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit na aktor din at producer sa pelikula: ALDEN, pangangatawan na talaga ang pagiging direktor

KALOKA ‘yung manonood lamang si Jaya ng concert ni Regine Velasquez sa California ay naksidente  pa ang Queen of Soul at ilang mga kaibigan. 

 

Si Jaya mismo ang nag-post at nagkuwento kung ano ang nangyari sa pamamagitan ng kanyang Instagram account

 

Sa Napa Valley, California naganap ang pagbangga ng isang sasakyan sa kanilang sinasakyang SUV Jeep.

 

Sa Graton Resort and Casino, California naman sana patungo sina Jaya para manood ng ‘Regine Rocks’ na nasa USA ngayon.

 

Kasama ni Jaya ang kaibigang doktor na si Dr. Josephine Weber at pinsang si Merly Escolta nang maganap ang aksidente.

 

Post ni Jaya sa kanyang IG, “On a ride from Sacramento, California, on the way to Graton Casino to see my friends and watch Regine V’s concert…when all of a sudden we get into a car collision. My friend Dr. Josephine Weber was driving and with us was Auntie Merly Escolta (her cousin) when suddenly we get hit from the back.”

 

Maayos naman ang kalagayan ni Jaya pero si Dr. Weber ay namaga ang kamay at ang kaibigan niyang si Merly ay kasalukuyang nasa ospital para sa kanyang dialysis.

 

Nakaligtas man ay may ay warning si Jaya sa lahat.

 

“Please wear your seatbelts, AT ALL TIMES WHEN YOU ARE IN A VEHICLE, especially if you’re a back seat passenger.”

 

Agad namang nagpadala ng mensahe ng pag-aalala si Regine sa kanyang kaibigan at kapwa singer… “Oh, my goodness. Are you [okay]?”

 

Sinagot ito ni Jaya ng, “@reginevalcasid Love you Mare sorry di ako nakarating sa concert mo and thank you Pare @ogiealcasid.”

 

***

 

PANGANGATAWANAN na talaga ni Alden Richards ang pagiging direktor.

 

Hindi nga ba at sa isang eksena sa pelikula niyang ‘Five Breakups and a Romance,’ ay naging direktor si Alden?

 

Pero this year, full-pledged director na si Alden kahit na nga ba ayon sa interview sa kanya ni Cata Tibayan sa ‘Chika Minute’ para sa 24 Oras, ay inamin ni Alden na mahirap maging isang director, producer at actor sa isang proyekto.

 

“But I took on the challenge of doing the directorial job while being a producer and an actor because I wanted the challenge of it.

 

“I wanna see myself how I work under pressure under those hats that I’m wearing at the same time,” lahad pa ni Alden.

 

Dagdag pa niya, “I can see myself from afar whenever I direct, I’m a different person.”

 

Still on Alden,  one for the books raw ang naging experience niya sa ginanap na Manila International Film Festival sa California kung saan isa sa mga kalahok ang pelikula nila ni Sharon Cuneta na ‘Family of Two’.

 

“Ang sarap pang gumawa lalo ng pelikula para sa kanila because ang mga Pilipino po, lalo abroad, isa sa mga kaligayahan na gusto nilang makita ay mga pelikulang Pilipino.

 

“Kailangan gawin nating somehow stable sa ating karera in the industry kasi that’s another way of giving back.”

 

Bukod sa pelikula niyang ginagawa na hindi pa nire-reveal ang titulo, busy na si Alden sa ‘Pulang Araw’ na upcoming historical drama series nila nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Ashley Ortega at David Licauco sa GMA.

 

“Ito ‘yung pagma-materialize kasi ng kuwento ng lola ko sa ‘kin nung bata ako because my grandparents are World War 2 babies and we are at a setting of the Japanese occupation dito sa Pilipinas,” lahad pa ni Alden.

(ROMMEL L. GONZALES) 

Other News
  • 29k Mga Pinoy, nabakunahan na laban sa Covid-19

    TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Filipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1.   Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.”   Nakapagpadala na ang […]

  • THE HUNT IS ON AS “MONSTER HUNTER” REVEALS OFFICIAL TRAILER

    THE bigger they are, the harder to kill. Watch the official trailer of Columbia Pictures’ new fantasy action thriller Monster Hunter, in Philippine cinemas soon.   YouTube: https://youtu.be/phyb8ssVJIM   Based on the global video game series phenomenon, Monster Hunter is written for the screen and directed by Paul W.S. Anderson.   The film stars Milla […]

  • Donaire target ang rematch kay Inoue

    Nakatuon na ngayon ang atensiyon ni Filipino WBC Bantamweight World champion Nonito Donaire Jr na makaharap muli si Japanese unified bantamweight champion Naoya Inoue.     Ito ang naging pahayag ng “The Filipino Flash” matapos ang matagumpay na pagdepensa ng kaniyang titulo laban kay Reymart Gaballo.     Pinatumba kasi ni Donaire si Gaballo sa […]