• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Billy, pinararating na gusto lang nilang maka-inspire at makatulong

NGAYONG nasa TV5 na si Billy Crawford ay dalawa agad ang shows niya, ang daily na Lunch Out Loud at weekend Masked Singer Pilipinas na parehong produced ng Brightlight Productions.

 

Kaya parang wala namang nabago sa trabaho ni Billy d dahil nu’ng nasa ABS-CBN siya ay dalawa o tatlo ang programa (It’s Showtime, Pilipinas Got Talent at ASAP Natiin ‘To) niya at isang daily at weekends pa kaya nga tinutukso siya noon na laman siya ng telebisyon.

 

Noong wala pa silang anak ni Coleen Garcia-Crawford ay puwede ang maraming shows, pero ngayong may anak na sila at si Billy ang duty sa gabi ay paano niya hahatiin ang oras para sa anak, asawa at sa trabaho.

 

Sa virtual mediacon ng ‘Bigger Better BER-months’ para sa Lunch Out Loud ay ipinaliwanag ni Billy ay napagplanuhan na niya kung paano aayusin ang oras niya.

 

“Ang pinakaimportante, I get to manage my time. Alam n’yo po, ‘yung taping hours naman po, hindi katulad ng dati, kasi we still have to abide by all the rules and regulations about the swabbing.

 

“Alam n’yo ‘yung pag nasa trabaho ka, kahit katutuntong mo lang du’n, uwing-uwi ka na dahil gusto mo lang siyang makuha or mayakap or mapa-burp man lang.

 

“Pero ‘yun ‘yung ilang mga sakripisyo na kailangan pong gawin ng isang tatay para matawid nang maayos ‘yung pangarap ng anak namin.”

 

Usaping It’s Showtime ay hindi maiwasang hindi tanungin si Billy na sa ayaw at sa gusto niya ay makakatapat niya ang dati niyang programa lalo’t nasa Free TV na rin ngayon sa A2Z Channel 11.

 

“We’re not trying to compete, hindi po kami nakikipagkumpetensiya dahil may mga talagang sobrang nauna na po sa amin talaga. ‘Yan po ang ‘Eat Bulaga’, pati na rin ang ‘It’s Showtime’.

 

“We just want to add more fun and we just want to send more love out there and hopefully, inspire people, lahat ng nanonood po, na makatulong po tayo. Magsama-sama at magkaisa po. ‘Yan po ang gusto naming iparatingin sa buong mundo na unity is more important and humility,”katwiran ni Billy.

 

Anyway, bukod kay Billy ay kasama rin sina Bayani Agbayani, Ariel Rivera, Wacky Kiray, K Brosas, KC Montero, Macoy Dubs at Alex Gonzaga, sa Lunch Out Loud na mapapanood na sa TV5 simula sa Lunes (October 19) hanggang Sabado. (REGGEE BONOAN)

Other News
  • PDu30, suportado ang planong magkaroon ng local production ng Covid-19 vaccines

    SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang planong magkaroon ng local production ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines.   ito’y matapos na iulat ni Trade Secretary Ramon Lopez, sa isang virtual meeting, na may apat na pharmaceutical firms ang nagpahayag ng kanilang intensyon na makipagsapalaran sa local vaccine manufacturing.   Ani Lopez, kasalukuyan nang nakikipag-usap […]

  • Huling SONA ni PDu30 magiging simple at ilalahad ang nagaganap na reyalidad sa ground- Andanar

    TINIYAK ng Presidential Communications Operations Office (PCOO)na repleksiyon ng pagiging simple ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang aasahan ng publiko para sa huling State of the Nation Address (SONA) nito sa darating na Hulyo 26, 2021.   Ito ang paglalarawan ni PCOO Secretary Martin Andanar sa magiging SONA ng Pangulo at itinuring bilang isang optimistic […]

  • Unang Pinoy na nanalo ng medalya sa World Championships EJ umukit ng kasaysayan!

    HINDI man gold medal ang kanyang nakamit ay nakagawa pa rin ng kasaysayan si national pole vaulter Ernest John Obiena.     Lumundag si Obiena ng 5.94 meters para ang­kinin ang bronze medal sa 2022 World Athletics Championships kahapon sa Eugene, Oregon.     Ang nasabing performance ng World No. 6 pole vaulter ay isa […]