• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit nagluluksa pa ang kanilang pamilya: Anak ni CHERIE na si BIANCA, ‘di nagpatinag sa mga kumwestiyon sa pag-attend sa party

HINDI nagpatinag ang anak ni Cherie Gil na si Bianca Rogoff sa mga bashers na kumwestiyon sa pag-attend sa isang party kahit kamamatay lang ng kanyang mommy.

 

 

Binatikos ang anak ng yumaong aktres sa dating asawang na si Rony Rogoff na kilalang Israeli violinist. Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pag-attend niya ng party, habang nagluluksa pa ang kanilang pamilya.

 

 

Komento ng basher, “Your mom just passed away and your in a party now?”

 

 

Sinagot ito ni Bianca sa direct message na makikita rin sa kanyang IG Story.

 

 

Panimula niya, “Absolutely.

 

 

“Life is sacred and should be valued and honored, and most importantly, lived. And if you knew her, she’d be the first one to tell anyone to live their life adventurously and joyfully.”

 

 

Pagpapatuloy pa niya, “I am grieving and that is similarly sacred—but it is not my job to show you that. I love my mother and am allowed to grieve as publicly or privately as I wish. I am not here to perform for those who chose to follow me.”

 

 

Panghuling mensahe pa niya sa basher, “If you’d like to unfollow me, please feel free. I will keep enjoying the life my mother gave and granted me.”

 

 

Sa screenshot ng kanyang post, nilagyan niya ito ng caption na, “I will not be answering or justifying all the messages in my inbox so please consider this an overall statement for now.”

 

 

Kaya say naman ng mga marites sa entertainment blog na karamihan ay naiintindihan si Bianca:

 

“Baka gusto rin ni basher na palitan ng candle ang profile pic ni Bianca?”

 

“Mind ur own business, scratch ur own galis, BASHER!🙄🙄🙄”

 

“Pakialamera!”

 

“Mind your own business. Every person has his own ways of dealing with grief. So many holier than thou out there. Annoying.”

 

“Eh ano ngayon ke magparty siya o magwala buhay niya yan.”

 

“Maging Marites ka but never ever judge a person who is grieving. Maybe this is her way to cope or maybe not. Hayaan na lang natin sila.”

 

“Gandang mag ina. Admittedly, it comes off to see a daughter partying so soon when a parent just passed on. And i think it has nothing to do with culture.”

 

“Ako rin, won’t party if my mom or any family member just passed away. It’s kinda off.”

 

“Eh di wag kayong pumarty at magsaya! Jusko pati pag-grieve ng ibang tao pinapakialaman niyo. Kaloka.”

 

“Baka gusto ng basher, magmukmok nalang sa house and mamatay din sa depression. It doesn’t measure how much you love a person by showing off na malungkot ka nalang thats why may sinasabi tayo na cheer up sa mga malulungkot.”

 

“Maritess mentality. Baka gusto nung basher na magpa-interview pa ang mga anak na umiiyak. Sorry hindi sila kasing babaw niyo.”

 

“Anu ba yan! Some grieve in silence okay. Hinde ibig sabihin hinde ka umiyak sa libing ng asawa, kapatid, magulang Or sino man malapit sa puso ko wala kana pakialam hinde ka nag luluksa. Ako nga If that happened to Me sa anak ni Cherie i would rather Go far away lumabas para mabawasan ang lungkot.”

 

“Some people kasi need a sense of “normalcy” in order to cope with the pain. iba iba tayo ng way and we should respect that.”

 

“A little insensitive kasi makikita nasa party sya. Sana hindi nalang sya nag post and keep it to herself nalang muna.”

 

“Yuck. Lakas makialam. We all grieve differently. Ano ba batayan ng mga to, magpost ng kandila sa fb?”

 

“So sya pa talaga mag-aadjust para sa mga marites na tulad mo? Patawa ka. Mind your business na lang at wag mag dikta sa gusto nilang gawin. Duh!”

 

“Kanya kanya way yan on how to deal personal issues or problems or tragedies. Marami jan depressed pero gigising mag wo work kala mo wala problema yun pala meron. Pwede ka naman mag party then you can grieve in your personal time.”

 

“Pag namatayan ba dapat magpaka miserable? Malungkot? Humagulgol s kakaiyak? Tsaka she grew up sa ibang bansa, we also don’t know her religion, wala tayo alam about her, kung uso ba yan 40 days what ever.”

 

“That’s the true spirit of celebrating their lives and honoring them by still living but keeping hem in our thoughts and hearts always. We don’t have to. Be crippled by grief.”

 

“Jusmiyo mga walang preno! Kung magmamarites ka, don’t lose your humanity and be a marites with some degree of *mouth* control naman!”

 

“Her rules. Her life. The girl is not even showbiz, so why the heck she should mind what other people are saying. Mga Pinoy talaga, marites na, pakialamero pa.”

 

“Pala-desisyon sa ibang tao kaloka minsan ang ibang pinoy…. atribida..”

 

“Hindi ako magpa-party if a close family member passed away. But that’s me. Hindi ako magp-pm sa taong di ko naman kilala ng personal to impose my belief.”

 

Samantala, na-cremate na ang labi ni Cherie sa Amerika. Ayon sa kanyang pamilya ay iuuwi ito sa Pilipinas at dadalhin sa farm ng award-winning actress sa Bukidnon.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Marcos Jr. ‘higit P623-M’ nagastos sa eleksyon ayon sa kanyang SOCE

    INIHAIN na ng kampo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Commission on Elections (Comelec) ang kanyang statement of contribution and expenditures (SOCE) — bagay na nagdedetalye sa kanilang mga nagastos para sa eleksyong 2022.     Ayon sa kanyang SOCE, Martes, P623,230,176.68  ang nagastos nina Bongbong mula sa natanggap na P624,684,320.09 kontribusyon.     […]

  • NORWEGIAN, CHINESE NATIONAL, INARESTO NG BI

    DINAKMA ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang pedopilyang Norwegian na inakusahan sa pang-aabuso sa mga menor de edad sa kanilang bansa at isang Chinese national na wanted sa pagpapatakbo sa isang pyramid investment scam.     Ayon kay   BI Commissioner Norman Tansingco  na Karstein Kvernvik,  a.k.a. Krokaa Karstein Gunnar, 50, ay […]

  • PNP kumambiyo, ‘hatid sundo’ ng non-APOR sa APOR papayagan na

    Papayagan na rin ang mga non-authorized persons outside of residence (APOR) na maghatid-sundo hindi lang sa Health workers, kundi sa lahat ng essential workers.     Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar matapos na humingi ng guidance sa National Task Force kaugnay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR simula […]