Kahit naunahan na ng ibang kasabayang sexy stars: JELA, naghihintay lang ng tamang project na babagay
- Published on October 7, 2022
- by @peoplesbalita
SABI ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee dumami raw ang mga imbitasyon sa kanya para maging commencement speaker since he was named National Artist.
Mas marami rin ang nakakakilala sa kanya. Kaya lang hindi siya sanay sa ganitong situation kasi napopokus ang atensiyon sa kanya.
Mas gusto raw niya ‘yung hindi siya masyadong napapansin tulad ng dati.
In fairness kay Sir Ricky, napaka-low profile niya.
“Iniisip ko na lang na ‘yung atensiyon na nakukuha ko ngayon ay makatutulong para makilala ang nga writers,” pahayag ng multi-awarded na screenwriter.
Masaya si Sir Ricky Lee sa collaboration nila ni Direk Mac Alejandre dahil kilalang-kilala na nila ang isa’t-isa.
Mas madali raw silang magtrabaho kasi they understand each other so well.
“Working with Mac is both easy and difficult. If we find the script easy, mas nagagawa niya itong complicated with his inputs kaya mas lalong gumaganda sng finished product,” sabi pa ni Sir Ricky.
Napanood na niya ang latest collaboration nila ni Direk Mac, ang relationship drama na ‘May-December-January’ at happy siya how it turned out. Nagawa raw nila na sa movie na maglahad ng kwento ng simplemg tao na marami ang makaka-relate sa kwento.
Pinuri din niya ang mahusay na pagganap ng mga lead stars na sina Andrea del Rosario, Gold Azeron at Kych Minemoto.
***
KAHIT na naunahan na si Jela Cuenca ng ibang kasabay niyang sexy stars sa Viva na nagkaroon ng solo movie, chill lang siya.
Sa presscon ng ‘Pabuya’ ay sinabi ni Jela na inaalok naman daw siya na magbida kaya lang ‘di raw kaya ang roles being offered to her.
“Naghihintay lang po ako ng tamang project na babagay sa akin,” sabi ni Jela.
Masaya naman daw sa mga projects na ibinigay sa kanya ng Viva dahil ‘di naman siya nababakante.
Hindi man siya bida, okey din naman ang roles na nakukuha niya.
Sa movie, Jela plays the ex-girlfriend of Diego Loyzaga na nag-betray sa binata kaya lalo itong napahamak.
Streaming na ito sa Vivamax ang ‘Pabuya’ na dinirek ni Phil Giordano.
(RICKY CALDERON)
-
Pagrerehistro ng e-bike minungkahi ng LTO
ISANG mungkahi ang isusumite ng Land Transportation Office (LTO) sa Department of Transportation (DOTr) upang magkaroon ng mandatory registration ng mga electronic scooters at e-bicycles kahit na ano pa mang vehicle capacity nito. Sa ilalim ng panukala, ang mga rehistradong electronic scooters at e-bicycle sa LTO lamang ang maaaring dumaan at gumamit ng […]
-
RIDER, PATAY SA CLOSED VAN
PATAY ang isang rider nang banggain ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang closed van, subalit imbes na tulungan ang driver nito ay pinaharurot papalayo sa harapan ng St Jude Church sa Tondo, Manila Martes ng umaga Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Christian Darren Isla y Del Mundo, 25, isang Field […]
-
Alinsunod sa kanilang mandato.. AFP tiniyak kay VP Duterte na poprotektahan nila ito
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Vice President Sara Duterte, na poprotektahan nila ito alinsunod sa kanilang mandato. Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Padilla, ang mga pansamantalang ipapalit na sundalo sa Vice Presidential Security Group (VPSPG) ay propesyonal, tapat sa chain of command at pinili base sa merit. […]