• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit parehong buong husay na naitatawid: DINGDONG, inaming magkaiba ang challenge sa hosting at sa pag-arte

KILALANG aktor at host si Dingdong Dantes.

 

Isa siya sa iilang personalidad sa showbiz na buong husay na nakatatawid sa pag-arte sa harap ng kamera bilang artista at nakapagdadala rin ng programa bilang host.

 

Bilang artista, bidang karakter si Dingdong bilang si Napoy sa ‘Royal Blood’ ng GMA.

 

May pelikula rin sila ng misis niyang si Marian Rivera para sa 2023 Metro Manila Film Festival sa Disyembre, ang ‘Rewind’ na collaboration na produksyon ng Star Cinema, APT Entertainment at Agosto Dos Media.

 

Nagsimula rin na sa pag-ere ang sinasabing “the world’s biggest singing competition”, ang ‘The Voice Generations’ kung saan si Dingdong ang host at magsisilbing judges naman sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar at Stell ng SB19.

 

Umiikot na rin ang balita tungkol sa pagbabalik ng top-rating na “game show ng bayan” na Family Feud na umere noong March 2022 hanggang June 2023 kung saan si Dingdong rin ang host.

 

Kaya tinanong namin si Dingdong, saan siya mas hirap o natsa-challenge, sa pagho-host o sa pag-arte?

 

“May kanya-kanyang hirap siya,” umpisang sinabi ng Primetime King ng GMA.
“Hindi siya apples to apples, e!
“May hirap din yung hosting, pero kapag na-overcome mo fulfilling. “Yung acting ganun din pag na-overcome mo fulfilling siya so ano siya, magkakaibang mundo.”

 

***

 

LIMANG taon na simula mabiktima ng isang scammer si Michael Flores.

 

 

“Pero unfortunately yung tao nagtatago na, alam mo na, yung the usual.

 

 

“Nag-start yung investment namin actually maganda naman, e. “And then a couple of months meron siyang, nagtayo rin siya ng sarili niyang networking, doon napunta yung in-invest namin, “Never siyang nagpasok ng sarili niyang pera, kaming mga investors pala yung ginamit niya na pera para makapagpatayo siya ng sarili niyang networking company,” umpisang kuwento sa amin ni Michael.

 

 

Milyon ang pera ni Michael na na-scam.

 

 

“Nagpaparamdam siya kasi once in a while, ini-expose ko na siya, e. May time nga na nilabas ko na yung mukha nila sa social media.

 

 

“May mga kausap na rin ako kasi plano na rin namin talagang i-expose ‘tong tao na ‘to and then kakasuhan na rin namin at the same time.

 

 

“Sanay siya kasi na kasuhan, e! Marami nang nagkaso sa kanya pero mukhang nakakalusot siya, e. Although nakulong na siya before pero siyempre nakapag-bail.”

 

 

Hindi raw ganoon kakilala ni Michael ang naturang manloloko.

 

 

“Iyon din yung mali ko e, kumbaga meron lang akong mutual friend na ni-refer sa akin ‘tong taong ‘to.

 

 

“At first talaga kumikita naman pero eventually iyon nga nung nag-shift yung business niya sa iba, gumawa siya ng sarili niyang networking company doon na nagkaproblema.”

 

 

Umaasa ba si Michael na maisasauli pa ang kanyang pera?

 

 

“Well nagpaparamdam pa naman siya sa akin so hopefully.

 

 

“Pero minsan kasi alam mo yun, ang problema sa laki ng utang niya sa akin magbibigay siya one thousand pesos, minsan two thousand pesos sabay-biglang ilang araw or linggo even months hindi siya magpaparamdam ulit.

 

 

“So paano ko siya, di ba, makakausap kung hindi siya magpaparamdam?

 

 

“Pag lumabas siya sa social media, nakita niya, ayun magpaparamdam siya ulit.”

 

 

Coincidentally, tungkol sa scam ang ‘The Missing Husband’ kung saan kasali si Michael bilang si Banong.

 

 

Tampok rin sa afternoon series sina Yasmien Kurdi as Millie, Rocco Nacino as Anton, Jak Roberto as Joed, Sophie Albert as Ria, Joross Gamboa as Brendan, Nadine Samonte as Nona, Shamaine Buencamino as Sharon, Maxine Eigenmann as Leila, Cai Cortez as Glenndolyn, Patricia Coma as Arya at Bryce Eusebio as Norman.

 

 

Napapanood sa GMA Afternoon Prime, ang ‘The Missing Husband’ at sa direksyon ni Mark Reyes na direktor rin ng ‘Voltes V: Legacy.’

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Payo ni PDu30 sa kanyang successor na magdeklara ng martial law para maalis ang korapsyon sa pamahalaan, “expression of frustration” lang – Roque

    NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “expression of frustration” lang ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang naging successor na magdeklara ng martial law para maalis ang korapsyon sa pamahalaan.   “It should not be taken literally,” ayon kay Sec. Roque.   “I think tinututukan lang ni Presidente na napaka-embedded sa […]

  • HIRIT NI CAYETANO NA MAGBITIW SA PUWESTO, TINANGGIHAN NG MGA KONGRESISTA

    TINANGGIHAN ng mga kongresista ang hiling ni Speaker Alan Peter Cayetano na magbitiw bilang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso.   Sa botohang naganap, 184 kongresista ang nagsabing tutol sila sa pagbibitiw ni Cayetano bilang Speaker ng Kamara, 1 naman ang pumabor at 1 abstention.   Sa kanyang privilege speech sinabi ni Cayetano na hindi […]

  • Ipinaglalaban pero nauwi rin sa hiwalayan: KYLIE, nasasaktan ‘pag napag-uusapan ang dalawang anak nila ni ALJUR

    KASWAL lamang magkuwento si Kapuso Action star Ruru Madrid tungkol sa relasyon nila ng girlfriend na si Bianca Umali.      Limang taon na rin sila as boyfriend and girlfriend kaya marami na rin silang pinagdaanan at nalampasan sa kanilang relasyon.     Ayon kay Ruru, noong nagsisimula pa lamang sila ni Bianca, may pagka-introvert […]