• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’… Pagiging ‘Pambansang Ginoo’ ni DAVID, malaking impact at ‘di basta-basta mawawala

KAHIT tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’ ay hindi basta-basta mawawala sa kamalayan ng publiko si David Licauco bilang Pambansang Ginoo.

 

 

Aminado si David na malaking impact ito sa kanyang pagkatao.

 

 

“Kung tinatanong niyo yung big change, yeah, it’s quite big and it’s overwhelming.

 

 

“But at the same time, you just have to stay grateful kasi hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng ganitong oportunidad.

 

 

“So, kahit minsan mahirap na at nakakapagod, kumbaga kailangan mo na lang din isipin na kailangan mo maging grateful kasi dati pinangarap mo din ito.”

 

 

Normal rin na ngayong sikat na sikat siya ay may mga bagay na hindi na niya basta puwedeng gawin.

 

 

“For me kasi, showbiz is like any other job. So, parang tini-treat ko lang ito na trabaho.

 

 

“So siguro, kunyari minsan gusto ko lumabas, gusto ko mag-have fun with friends, tapos may makikita akong comments na parang ‘dapat di ka na lumalabas.’

 

 

“Parang for me, wala namang masama dun as long as wala naman akong ginagawang anything overboard.”

 

 

Hirit naman ni David, hindi lalaki ang ulo niya.

 

 

“My personality and how I am as a person has not changed since I was 12 years old, 10 years old.

 

 

“Kumbaga, whenever I’m with my high school friends, sobrang maloko pa rin ako. Nag-lolokohan kami, mga ganun.

 

 

“So, I just sort of remain the same. I just have more responsibilities now and yun na nga, again, naging ‘Pambansang Ginoo’ ako, na never ko naman in-expect.

 

 

“So, I guess, I just have to do my best at all times na maging magandang ehemplo at halimbawa sa mga kabataan at sa mga taong sumusuporta sa akin.

 

 

“Siyempre, again, I’m like a public figure now and marami na akong… marami nang mga tao na tumitingala… kumbaga, tingin nila sa akin ay inspirasyon ako.

 

 

“So, kailangan ko mas maging careful dun kasi, di ba, pangit naman magpakita ng masamang bagay sa mga kabataan,” pahayag ni David na endorser ng Blue Water Day Spa na may mga branches sa Banawe – Quezon City, Eton Square – Ortigas in Greenhills, San Juan at Estancia Mall sa Pasig City. Soon to open naman ang The Infinity Tower, BGC.

 

 

Ilan sa bonggang services ng Blue Water day Spa ay ang Deep Tissue Massage, IPL Hair Removal service, Deep Tissue Massage, rejuvenating massages, deep cleansing facials, sculpting at toning treatments, Four Hand Massage, Therapeutic Colonic Massage at Pregnancy Massage.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Didal malaki ang tsansang makasama sa Tokyo Olympics

    Kumpiyansa ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) na makakakuha si Pinay skateboarding sensation Margielyn Didal ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.   “For more than a year pasok siya para sa Olympic slot,” sabi ni SRSAP president Carl Sambrano kay Didal, ang 2018  Asian Games at 2019 Southeast  […]

  • Birth cert ni Alice Guo pinapakansela ng OSG

    PINAPAKANSELA ng Office of the Solicitor General (OSG) ang birth certificate ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, batay sa inihaing petisyon sa Tarlac Regional Trial Court kahapon.       Magkatuwang ang OSG at ang Philippine Statistictics Authority (PSA) sa pagsasampa ng petisyon.     Sinabi ni Solicitor Gene­ral Menardo Guevarra na ang […]

  • Kung understated si Ruffa bilang Madam Imelda Marcos: DIEGO at ELLA, naging mahusay ang pag-arte dahil kaeksena si CESAR

    KUNG attendance lang ang basehan para masabing successful ang isang event, masasabing matagumpay ang red carpet premiere ng ‘Maid in Malacanang’ na ginanap noong Friday, July 29 sa SM The Block Cinemas 1, 2 and 3.   Maraming dumalo sa premiere ng movie. Hindi lang namin alam kung puno lahat ang tatlong sinehan kung saan […]