Kahit wala naman siyang ka-date: DAVID, kinarir ang suit na susuotin sa ‘GMA Thanksgiving Gala 2023’
- Published on July 20, 2023
- by @peoplesbalita
BUKOD sa pagiging abala sa taping ng kanilang upcoming Kapuso series na ‘Maging Sino Ka Man’ ni Barbie Forteza, ay abala ang Pambansang Ginoo na si David Licauco sa paghahanda para sa nalalapit na GMA Gala 2023 sa July 22.
Ayon kay David ay galing pa sa ibang bansa ang kaniyang suit na isusuot para sa nasabing event.
“Medyo pinaghirapan ko yung this year’s gala kasi binili ko sa Hong Kong yung damit ko, yung susuotin ko.”
Napangiti naman si David nang tanungin siya tungkol sa kung sino ang magiging date niya para sa GMA Thanksgiving Gala 2023.
“Wala, wala akong date,” natatawang sinabi ni David.
Matatandaan na natapos na rin ang shooting ng movie nila ni Barbie na pinamagatang ‘That Kind Of Love’ na ipalalabas sa mga sinehan ngayong taon.
Samantala, ang GMA Gala 2023 ay magsisilbing fundraising event na makatutulong sa iba’t ibang institusyon na lubos na nangangailangan.
***
BALIK-TAPING na ang ‘Love. Die. Repeat.’
Matatandaang nahinto ang taping ng naturang GMA drama series noong September 21 dahil sa pagdadalang-tao ng lead actress nito na si Jennylyn Mercado.
At nitong Abril 2023 ay napabalitang nag-resume na ang taping ng show na pagbibidahan nina Jennylyn at Xian Lim.
Nakausap namin ang isa sa mga supporting cast members ng show na si Shy Valdez at napag-usapan namin ang tungkol sa pagbabalik-taping nila.
Kinumpirma ni Shyr sa amin na nagte-taping na nga silang muli.
Ano ang pakiramdam niya na nag-resume na sila ng ‘Love. Die. Repeat.’?
“Siyempre masaya! Tuloy ang naputol na bonding ng cast sa set. Masaya kasi ang set namin, e.
May punto ba na inaakala niya na hindi na itutuloy ang show, lalo pa nga at dalawang bagay ang kinaharap nilang lahat noon; ang COVID19 pandemic at ang pregnancy ni Jennylyn?
“It was never an issue na hindi na kami matutuloy.
“We’ve always known na matutuloy siya matapos lang si Jen manganak. The production kept all actors in the loop for updates about LDR.
“It was really just a matter of time. At eto na yung time, we are now rolling again.”
Sa unang taping nila noong 2021 bago sila nahinto, alam na ba nilang cast and production na preggy si Jen?
“Actually no. Kahit si Jen hindi pa niya alam na buntis siya. Until nag-iba at hindi na niya ma-explain ang pakiramdam niya.
“So nung ma-confirm, we were all advised na. Siyempre masaya kami for her,” pagpapatuloy pa ni Shyr.
“Ako I was ecstatic for Jen kasi talagang gusto niya ng anak pa.”
Pinagkuwento naman namin si Shyr kung ano ang role niya sa ‘Love. Die. Repeat.’ and without any spoilers, kung tungkol saan ang show.
“I play Hilda the mother of Bernard (Xian’s character). Basta ito lang sasabihin ko, Love. Die. Repeat is something new on primetime. It will keep you in the loop while watching.”
Gaano kalapit o kalayo ang karakter niya bilang si Hilda sa show sa tunay na Shyr Valdez?
“May character si Hilda dito na hindi ako as Shyr but I cannot say just yet. Pero the way she loves and cares for her child, ako na ako.
“I will not tolerate what is bad, but I will have my child’s back through and through.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Galvez, nahhirapang makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, gamot para sa covid 19 patient
INAMIN ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na wala itong magawa at nahihirapan na makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, ginagamit para gamutin ang isang COVID-19 patient, bunsod ng global shortage ng gamot. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Huwebes, sinabi ni Galvez na idinulog na nila […]
-
Ads August 13, 2022
-
Lokal na pamahalaan, kailangan ang ‘greater access’ para sa pondo ng climate change – ULAP
KAILANGAN ng local government units (LGUs) na gawing simple ang proseso at direktang funding channels upang paganahin ang napapanahon at epektibong pagtugon at makakuha ng ‘greater access’ sa mahalagang resources para tugunan nag global climate change crisis. Ito ang sinabi ni Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at United Cities and […]