Kai Sotto malaki pa rin ang chance na makasama sa NBA G-League
- Published on February 25, 2021
- by @peoplesbalita
Tiwala ang maraming mga basketball experts na hindi pa rin naglalaho ang pangarap ni Kai Sotto na makapaglaro sa NBA-G League.
Ito ay kasunod ng nangyaring aberya ng umuwi ito sa Pilipinas para sana makapaglaro sa Gilas Pilipinas subalit hindi natuloy dahil sa kanselasyon ng FIBA Asia Qualifers ngayong buwan ng Pebrero.
Ayon sa kampo ng 7-foot-3 player na nakabalik agad ito sa Orlando para paghandaan ang nasabing pagasabak sa NBA.
Maglalaro kasi ang koponan nitong Team Ignite sa G League bubble sa Walt Disney Complex kasama nito ang Filipino -American guard na si Jalen Green.
Isa sa mga positibong makakasama pa rin si Sotto sa G League ay Kobe Paras kung saan ipinagtanggol nito ang kapwa basketbolista sa mga negatibong komento dahil sa napipintong paglaho ng pangarap nitong makapasok sa NBA.
-
P2.3 bilyong pondo ng OVP sa 2023, aprub sa Senado
MABILIS na inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang P2.3 bilyon na panukalang budget ng Office of the President (OVP) para sa taong 2023. Personal na humarap sa komite si Vice President Sara Duterte na mainit ding tinanggap ng mga senador sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Sa pagsisimula […]
-
RAPE SUSPECT, NASAKOTE SA VALENZUELA
ISANG lalaki na wanted sa kasong rape ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation makalipas ang halos pitong taon sa Valenzuela City. Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz si Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Edmund Jacinto, 25, […]
-
Dr. Carl, malaki ang tiwala sa all-nurse cast: Napiling bida ng ‘Siglo ng Kalinga’ na si JOY RAS, naging emosyonal
INI-REVEAL na ang all-nurse cast nang malabuluhan na pelikulang ‘Siglo ng Kalinga’ na inspired sa buhay ni Anastacia Giron Tupas, na siyang nagtatag ng Filipino Nurses Association noong 1922. Ang FNA nga ay naging PNA, pagkaraan ng ilang taon. At layon ng pelikula ang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Philippine Nurses Association. […]