• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai Sotto nagpatattoo; NBA player na ang dating

Ikinagulat ng fans ang video na naka-post sa Instagram ni NBA G-League player Kai Sotto kung saan makikitang puno ng tattoo ang kanang braso nito na parang manlalaro na ng National Basketball Association (NBA).

 

Walang caption pero may tatlong fire emojis ang post na video ng 7-foot-2 na si Sotto at ipinakikitang  may bagong tattoo ang buong kanang braso nito.

 

Malinaw sa video ang nakalagay na tattoo ni Sotto sa buong braso na  Halloween theme, na may pumpkin heads, ghoul, at witch sa paligid.

 

Hindi naman sigurado kung ang tattoo ay totoo o’ isang temporary tattoo lamang.

 

Matatandaang ang ama ni Kai na si Ervin ay may tattoo rin sa dalawa nitong braso na ancient drawings.
Simula pa noong 2018 ay nasa Atlanta, Georgia na ang buong pamilya ni Kai habang ito ay nag-eensayo sa US bilang paghahanda sa pangarap nitong maging unang purong Pinoy na manlalaro ng NBA.

 

Inaasahang sa muling pagbubukas ng NBA G-League ay sasabak na sa laro si Sotto matapos pumasok sa elite prospect program.

Other News
  • Pdu30, walang paki sa Pharmally

    WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung banatan man ng Senado ang kompanya na sumasailalim ngayon sa sinasabing nag-suplay ng overpriced medical goods sa gobyerno nang pumutok ang COVID-19 crisis noong nakaraang taon.   Pilit kasing hinahanap ng mga senador ang namamagitang ugnayan sa pagitan nina dating economic adviser to the president Michael Yang […]

  • Nahulog sa motorsiklo, ginang pisak sa tanker truck

    NASAWI ang 54-anyos na housewife matapos magulungan ng malaking tanker truck makaraang mahulog sa sinasakyang motorsiklo sa Valenzuela City, Linggo ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa katawa ang biktimang si alyas “Helen”, habang ligtas naman ang kanyang asawang si alyas “George” 57, kapuwa residente ng DM Compound, Heroes Del 96, Brgy., 73, Caloocan […]

  • Ads May 25, 2021