Kai Sotto pinayagan ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers
- Published on November 19, 2024
- by @peoplesbalita
MAAARI ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers window 2 si Kai Sotto.
Sinabi ni Gilas team manager Richard del Rosario, na nabigyan na ng clearance ng doctor ang 7-foot-3 pero hindi pa matiyak kung makakapaglaro na si AJ Edu.
Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 6-foot-10 na si Edu dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod.
Ang dalawa rin ay dumalo sa ensayo ng Gilas Pilipinas na ginanap sa Laguna.
Nagtamo ang dalawa ng injury sa kanilang paglalaro sa mga koponan sa Japan B. League.
Magpapahinga muna ngayong araw ng Lunes ang Gilas at magsasagawa sila ng dalawang araw na ensayo bago ang kanilang laban sa Huwebes laban sa New Zealand sa lungsod ng Pasay atsa araw naman ng Linggo ay makakaharap nila ang Hong Kong.
Kapwa mayroong dalawang panalo at isang talo ang Gilas Pilipinas at New Zealand.
-
2,000 medical technologists, medical laboratory technicians nanumpa na
Aabot ng halos 2,000 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa online. Base sa datos na hawak ng Professional Regulation Commission (PRC), nasa 1,957 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa via virtual platform. Pinangunahan ni Marilyn A. Cabal-Barza, chairperson ng Professional Regulatory Board of Medical Technology (PRBoMT) ang […]
-
TRO hinain ng PISTON sa SC
NOONG nakaraang Miyerkules ay naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) ang grupong PISTON upang humingi ng temporary restraining order (TRO) laban sa consolidation ng prangkisa na siyang kailangan sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Sa kanilang petisyon ay kanilang sinabi na ang mandatory consolidation ay isang […]
-
Maling paggamit ng confidential funds ni VP Sara sa OVP, DepEd umabot sa P612.5-M – Chua
TINATAYANG umaabot sa P612.5 million ang kabuuang pondo sa ilalim ng confidential funds ang nagastos ni Vice President Sara Duterte sa ilalim ng Office of the Vice President at Department of Education. Nagpahayag ng pagkadismaya si Manila 3rd District Rep. Joel Chua, sa laki ng halaga na ginastos ng OVP at DepEd na […]