• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai Sotto pinayagan ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers

Maaari ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers window 2 si Kai Sotto.

 

 

Sinabi ni Gilas team manager Richard del Rosario, na nabigyan na ng clearance ng doctor ang 7-foot-3 pero hindi pa matiyak kung makakapaglaro na si AJ Edu.

 

 

Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 6-foot-10 na si Edu dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod.

 

 

Ang dalawa rin ay dumalo sa ensayo ng Gilas Pilipinas na ginanap sa Laguna.

 

 

Nagtamo ang dalawa ng injury sa kanilang paglalaro sa mga koponan sa Japan B. League.

 

 

Magpapahinga muna ngayong araw ng Lunes ang Gilas at magsasagawa sila ng dalawang araw na ensayo bago ang kanilang laban sa Huwebes laban sa New Zealand sa lungsod ng Pasay atsa araw naman ng Linggo ay makakaharap nila ang Hong Kong.

 

 

Kapwa mayroong dalawang panalo at isang talo ang Gilas Pilipinas at New Zealand.

Other News
  • COVID-19 cases sa Pinas posibleng bumaba pa sa 2,000 daily– OCTA

    Tinatayang bababa pa sa 2,000 ang bilang ng COVID-19 cases kada araw sa Pilipinas sa katapusan ng buwan ng Nobyembre.     Ayon kay OCTA Research group fellow Dr. Guido David, ito ay kung magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 infections sa buong bansa.     Umaasa si Dr. David na kung […]

  • P52.1-M relief assistance naibigay na sa mga biktima ng bagyong Ulysses – DSWD

    Umaabot na sa P52.1 million ang relief assistance ang naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.   Sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista, naipamahagi ang mga tulong partikular ang food at non-food items sa regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, region 5, Cordillera Administrative Region (CAR) at […]

  • AFP PUSPUSAN ANG GINAGAWANG DISASTER RELIEF OPS AT DAMAGE ASSESSMENT

    PUSPUSAN ngayon ang isinasagawang search, rescue and retrieval and clearing operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Rolly.   Ongoing na rin ngayon ang isinasagawang relief distribution ng militar kasama ang DSWD.   Ayon kay AFP Chief of staff Gen. Gilbert Gapay, nakatutok ang lahat mga […]