Partylist solon sa Roque statement na natalo ng PH ang prediction ng UP sa COVID cases: ‘Di na siya nahiya’
- Published on July 2, 2020
- by @peoplesbalita
Binatikos ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat ang aniya’y “napakainsensitibong” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tinalo na ng Pilipinas ang COVID-19 prediction ng University of the Philippines (UP).
Hindi na aniya nahiya si Roque na buong galak pa nitong sinasambit ang naturang pahayag gayong ang Pilipinas ay pangatlo sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia, at pangalawa sa nakapagtala ng pinakamaraming casualty sa naturang sakit.
Makikita aniya sa ngayon na hirap nang lunukin ng administrasyon ang kapalpakan sa epektibong pagtugon sa pandemya halimbawa na lamang ang maraming backlog sa COVID-19 testing sa bansa.
“Lalong lumalala ang mga kaso dahil sa walang libreng mass testing at walang epektibong contact-tracing na ginagawa. Walang malawakang pagpapakilos sa mga manggagawang pangkalusugan,” ani Cullamat.
Kung pagbabasehan rin anya ang tracker ng Department of Health, hanggang noong June 28 ay nasa mahigit 46,000 na indibidwal ang positibo sa virus kung saan 36,438 ang validated.
-
Ginang, mister huli sa aktong nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela
SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang ginang matapos maaktuhan nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 commander PLt. Armando Delima ang mga nadakip bilang sina Angeline Timosan, 53, at Rolando Tesorero, 54, construction worker at kapwa […]
-
PAGGAMIT NG OXYGEN SA BAHAY, DOH NAGBABALA
NAGBABALA ang Department of Health o DOH sa publiko hinggil sa paggamit ng mga oxygen tank sa kani-kanilang bahay, sa gitna pa rin ng tumataas na mga kaso ng COVID-19. Sinabi ni DOH Usec at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, mayroong tamang paggamit ng oxygen level base sa kondisyon ng pasyente. Paliwanag ni Vergeire, […]
-
Bicol, CALABARZON, at MIMAROPA, malamang na isailalim sa State of Calamity
MALAMANG na isailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa state of calamity ang Bicol, CALABARZON, at MIMAROPA dahil sa pinsalang iniwan matapos bayuhin ng mga bagyong Quinta at Rolly. “Most likely po pero antayin natin ‘yung papel mismo na manggagaling sa tanggapan ng Presidente,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. Sa ulat, umabot […]