• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai Sotto puwersadong magpakitang-gilas sa ensayo

SA UNANG ensayo pa lamang ng Orlando Magic para sa sasabakang NBA Summer League ay kailangan nang makapagpakita ng maganda si Pinoy center Kai Sotto.
Ito ay matapos muling papirmahin ng Magic ang parehong 6-foot-11 na sina Mo Wagner at Goga Bitadze para sa kanilang frontline.
Nagposte si Wagner ng mga averages na 10.5 points, 4.5 rebounds at 1.5 assists para sa Orlando sa nakaraang season habang tumipa si Bitadze ng 5.8 points at 5.2 rebounds.
Dahil dito ay dapat matindi ang ipakita ng 7’3 na si Sotto sa team practice pa lang bago sumabak sa NBA Summer League.
Pinapayagan ng NBA ang bawat koponan na maglagay ng 20 players sa kanilang training camp na gagawing maximum na 15-man lineup para sa opening night roster at tatlo sa isang two-way contracts.
Ang pagtanggap sa two-way contract ang ma­aaring maging opsyon ni Sotto para matupad ang kanyang NBA dream.
Sisimulan ng Magic ang kanilang team practice ngayong araw kasunod ang pagharap sa Detroit Pistons sa Hulyo 8 para una nilang laro sa NBA Summer League sa Tho­mas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Other News
  • 4 NA BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NASABAT SA CLARK AIRPORT

    NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark Airport  ang apat na kababaihan na Overseas Filipino Workers (OFW) na nagpakita ng mga travel documents taliwas sa kanilang tunay na  edad.       Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morente ni  BI Travel Control and Enforcement Unit Officers Clarissa Bartolome at  Kristan […]

  • Alice Guo, nagpiyansa sa 2 counts ng graft

    NAKAPAGLAGAK ng piyansa sa Valenzuela Regional Trial Court Branch 282 ang sinibak na Bamban, Tarlac mayor Alice Guo para sa dalawang count ng kasong graft na isinampa ng Department of the Interior and Local Government hinggil sa kanyang pagkakasangkot umano sa sinalakay na Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO) sa Bamban.     Kinatigan ni Valenzuela […]

  • Mahigit 244K katao, naapektuhan ng nagdaang Bagyong Dodong – NDRRMC

    NASA 66,540 pamilya o 244,824 katao ang apektado sa limang rehiyon dahil sa epekto ng habagat at Tropical Depression Dodong, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).     Sa pinakahuling bulletin nito, sinabi ng ahensya na ang bilang na ito ay mas mataas kaysa sa 24,008 pamilya sa update nito noong […]