• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai Sotto sumama na sa ensayo ng Gilas Pilipinas

Sumama na si Kai Sotto sa training bubble ng Gilas Pilipinas para sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark.

 

 

Nagtapos na kasi ang quarantine period ng 7 foot 4 para makasama sa training ng Gilas kung saan magiging host ang Pilipinas.

 

 

Umaasa naman si Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) special assistant to the President Ryan Gregorio na makakapaglaro si Sotto.

 

 

Wala pa kasing katiyakan ang 19-anyos na si Sotto na makakasama sa laro dahil kagagaling lamang nito sa 14-day quarantine kung kayat kailangan pang-i-evaluate ang knaiyang sigla.

 

 

Dagdag pa nito na nakausap na niya si Gilas coach Tab Baldwin at ayaw nilang makumpromiso ang kalusugan nito dahil sa tagal ng hindi paglalaro habang nasa quarantine.

 

 

Nakatakdang makaharap ng Gilas ang Korea sa MIyerkules at Indonesia naman sa Biyernes habang babalik na makakaharap ang Korea sa Linggo.

Other News
  • TONY, abswelto na sa kasong ‘slight physical injuries’ pero haharapin pa rin ang ‘two counts of aggravated acts of lasciviousness’

    NA-DISMISS ang slight physical injuries complaint sa aktor na si Tony Labrusca ng Makati prosecutor’s office.     Ang nag-file ng reklamo kay Labrusca ay si Dennis Ibay, Jr. na nagsabi na nanggulo sa isang house party ang aktor noong nakaraang January 16, 2021.     Ayon kay Makati Senior Assistant City Prosecutor Edmund Seña: “However, the complaint was only […]

  • PAGTAAS NG KASO NG COVID-19, HINDI SECOND WAVE SA PINAS

    HINDI  pa rin  maituturing na ‘second wave’ ang nararanasang panibagong pagtaas ng kaso ng Covid-19 ngayon dahil hindi pa tuluyang napababa ang kaso o na-flatten ang curve, ayon sa World Health Organization (WHO).     Sa virtual  Kapihan session ng Department of Health (DOH)  sinabi ito ni  WHO Philippine representative Dr Rabindra Abeyasinghe kung saan […]

  • IATF, kasalukuyang naka-monitor sa pagtaas ng Covid -19 sa mga lungsod at lalawigan sa labas ng NCR

    KASALUKUYANG naka-monitor ang Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Diseases sa ilang lungsod at lalawigan sa labas ng National Capital Region (NCR) dahil sa pagtaas ng coronavirus (COVID-19) cases na inoobserbahan ngayon sa mga nasabing lugar.     Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay […]