• June 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGTAAS NG KASO NG COVID-19, HINDI SECOND WAVE SA PINAS

HINDI  pa rin  maituturing na ‘second wave’ ang nararanasang panibagong pagtaas ng kaso ng Covid-19 ngayon dahil hindi pa tuluyang napababa ang kaso o na-flatten ang curve, ayon sa World Health Organization (WHO).

 

 

Sa virtual  Kapihan session ng Department of Health (DOH)  sinabi ito ni  WHO Philippine representative Dr Rabindra Abeyasinghe kung saan hindi aniya nangyari ang pagbaba sa  National Capital Region (NCR) kung saan naitala ang pagtaas ng impeksyon kada linggo .

 

 

Sa datos ng DOH, nakita ang biglaang pagtaas ng kaso  ng dalawang linggo sa mahigit  na 40 percent kada linggo.

 

 

Ito ay naobserbahan sa Quezon City, Makati, Taguig, Parañaque, Caloocan, at Mandaluyong.

 

 

“We always knew that there was quite a big chain of transmission although the numbers went down at some stage to 300-400 on a daily basis,”  pahayag ni Abeyasinghe

 

 

Dagdag pa nito na ang nasabing numero ay  sumasalamin pa rin ng makabuluhang antas ng transmission sa pamayanan.

 

 

“So, it would rather be another spike in the ongoing wave. There’s actually no value in classifying it as a second wave,” paliwanag pa ng WHO official .

 

 

Binigyang diin niya na sa loob ng ilang  buwan, naobserbahan ang “community level transmission” ng Covid-19 virus sa NCR, Region 3 at Region 4A.

 

 

Gayunpaman, kumpara sa  6,000 na mga kaso na naitala noong nakaraang taon, ang higit sa 3,000 na impeksyon na naitala araw-araw sa nakaraang apat na araw ay makabuluhang mas mababa.

 

 

Una nang inihayag ng UP-OCTA Research team na  ang paglobo ng kaso ngayon ay maaring dahil sa mga pumasok na variant sa bansa. (GENE ADSUARA)

Other News
  • #SimRegistration No. 1 trending habang kaliwa’t kanan pagpalya sa unang araw

    NUMERO unong nag-trend sa social networking site na Twitter ang #SimRegistration sa unang araw ng pagpaparehistro ng mga subscriber identity module (SIM) card dahil sa bagong batas — kaso, reklamo ang tatambad sa’yo oras na i-check ang hashtag.     Simula Dec 27, meron na lang 180 araw ang mga mobile users para irehistro ang […]

  • Kelot na nag-abandona sa pamilya, arestado sa Malabon

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nang kasuhan siya ng dating kalive-in makaraang mabigong sustentuhan ang lima nilang anak sa Malabon City.     Nagmakaawa pa si Mondido Rosales sa dating kalive-in na itinago sa pangalang “Gina” na patawarin na siya sa […]

  • Creamline VS Petro Gazz; Chery Tiggo VS Cignal

    Sinisikap nina Creamline at Chery Tiggo na i-sustain ang kanilang big elims run ngunit sina Petro Gazz at Cignal ay papasok sa semifinals na may matinding gutom at pagmamalaki habang umiinit ang aksyon sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig ngayong araw (Huwebes) .   At ang round robin format ay […]