Kai sumalang na sa magaan na workout
- Published on February 28, 2025
- by Peoples Balita
MATAPOS ang matagumpay na operasyon, simula na sa magagaan na workout si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto upang makabalik sa matikas na porma.
Sa kanyang post sa social media, ipinakita ng 7-foot-3 Pinoy cager na balik na ito sa gym para simulan ang rehabilitasyon nito.
“Loading,” ayon sa caption ni Sotto.
Matatandaang nagtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) tear si Sotto habang naglalaro ito para sa Koshigaya Alphas sa Japan B.League.
Sumalang si Sotto sa operasyon kamakailan kung saan naging matagumpay ito.
Kasama ni Sotto sa kanyang workout si conditioning coach Mel Lantin.
May hiwalay na post si Lantin sa kanyang sariling social media account kung saan aminado itong mahabang proseso pa ang pagdaraanan ni Sotto para makabalik sa aksyon.
“Still far, but it’s a start,” ani Lantin.
Ilang magagaan na workout lamang ang ginagawa ni Sotto bilang panimula upang hindi maargabyado ang bagog opera nitong tuhod.
Dahil sa injury, hindi nakapaglaro si Sotto sa dalawang laban ng Gilas Pilipinas sa final window ng FIBA Asia Cqup Qualifiers.
Malaking kawalan si Sotto kung saan lumasap ang Pinoy squad ng kabiguan sa kamay ng Chinese-Taipei at New Zealand dahilan para mahulog ang tropa sa 4-2 marka para sa No. 2 seed sa Group B.
Umaasa ang Pinoy fans na magiging mabilis ang recovery ni Sotto dahil kailangan ito ng Gilas Pilipinas sa mga laban nito.
Subalit posibleng sa susunod na taon na muling masisilayan si Sotto sa aksyon dahil daraan ito sa ilang buwan na rehabilistasyon.
-
Sotto No. 79 na sa mock draft
NASA No. 79 spot na si Kai Sotto sa inilabas na mock draft ng isang basketball website para sa 2022 edisyon ng NBA Rookie Draft na gaganapin sa Hunyo 23 sa Brooklyn, New York. Ayon sa NBA Draft Room, malaki ang improvement ng 7-foot-3 Pinoy cager sapul nang maglaro ito sa iba’t ibang […]
-
Dahil mataas ang ratings at walang pagkakautang: ‘It’s Showtime’ nina VICE GANDA, mare-renew pa rin ang kontrata sa GMA
FROM a reliable source ay mukhang magkaroon na ng renewal ng Kapamilya noontime show na ‘It’s Showtime’ sa GMA-7. Hanggang December na lang kasi ang contract ng blocktimer show nina Vice Ganda under GMA. May lumabas pang tsikang mawawala na raw ang ‘Its Showtime’ sa Siyete pero itinanggi ito nang kausap […]
-
Lalaki na wanted sa pagpatay sa Valenzuela, nabitag sa Caloocan
ISANG lalaki na wanted sa pagpatay ang nasakote ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, […]