‘Kailangan kayo ng bansa’
- Published on September 21, 2022
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magagaling na scientists, engineers at technical experts na bumalik sa bansa upang maibalik ang galing ng Pilipinas.
Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center sa New Jersey, USA hinikayat niya ang mga matatalinong Filipino scientists na bumalik sa bansa sa ilalim ng Balik Scientist Program of the Department of Science and Technology.
Idinagdag ng Pangulo na dapat mabaliktad ang ‘brain drain’ at tumulong ang mga magagaling na Filipino para mamayagpag ang bansa.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga guro, mga doktor, nurses at iba pang professionals na ibahagi sa kanilang mga kababayan ang natutunan sa Amerika.
Habang ang mga Pilipino na nasa labas sa bansa ay hinikayat niya na dalhin sa Pilipinas ang kanilang mga kaibigan upang mapalakas ang turismo.
Ipinakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahigpit na samahan ng US at Pilipinas.
Samantala, sa pagharap ng Pangulo sa New York Stock Exchange (NYSE) Business Forum, nitong madaling araw ng Martes oras sa Pilipinas, na hindi niya lubos maisip kung ano na ang magiging kahihinatnan ng Pilipinas kapag wala sa tabi nito ang US.
Maraming mga kumpanya na mula sa US ang siyang nagbigay malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
Nasa US ngayon ang pangulo para sa pagdalo nito sa 77th United Nations General Assembly (UNGA) kung saan umaasa siya na makausap ng personal si US President Joe Biden. (Daris Jose)
-
NBA BUBUKSAN SA DEC. 22
MAGSASAGAWA ang NBA team owners at players union ng magkahiwalay na meeting upang maselyuhan na ang nilulutong pagbubukas ng liga sa December 22 para sa 2020-2021 kampanya ng liga. Inaasahang magkakasundo sa gagawin meeting ang National Basketball Players Association at ang liga sa 72 games per club at sa Dec. 22 na pagbubukas ng […]
-
2 bagong pumping stations sa Malabon, pinasinayaan
PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval at dating Congressman Ricky Sandoval ang dalawang bagong modernong pumping station bilang bahagi ng inisyatiba na ‘Ligtas sa Baha’ para sa kaligtasan ng mga Malabueño sa panahon ng bagyo at high tide. Ang dalawang pasilidad ay ang Sto. Rosario II Pumping […]
-
Kotse nahulog sa dagat, mag-asawa patay sa lunod
PATAY ang mag-asawa matapos na malunod ang mga ito nang mahulog ang sinasakyan nilang kotse sa dagat, kahapon (Biyernes) ng madaling-araw sa Ozamiz City, Misamis Occidental. Nakuha pang dalhin sa MHARS Hospital ang mag-asawang biktima na nakilalang sina Ferdinand, 48, at Teresita Jalasan, 47, residente ng Cotta Area, Barangay Triunfo ng nasabing lungsod subalit […]