Kotse nahulog sa dagat, mag-asawa patay sa lunod
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
PATAY ang mag-asawa matapos na malunod ang mga ito nang mahulog ang sinasakyan nilang kotse sa dagat, kahapon (Biyernes) ng madaling-araw sa Ozamiz City, Misamis Occidental.
Nakuha pang dalhin sa MHARS Hospital ang mag-asawang biktima na nakilalang sina Ferdinand, 48, at Teresita Jalasan, 47, residente ng Cotta Area, Barangay Triunfo ng nasabing lungsod subalit idineklara na rin silang dead on arrival ng sumuring doktor.
Ayon kay Police Brig. General Rolando Anduyan, Police Regional Office 10 Director, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali sa kahabaan ng Diversion Road sakop ng Barangay Triunfo ng lungsod na ito.
Napag-alaman na lulan ang mag-asawa ng kanilang kulay itim na Toyota Vios na may plakang YGP-805 na minamaneho ng lalaking biktima.
Galing umano sa paghahatid ng kanilang mga kaibigan sa simbahan ang mag-asawa mula sa isang kasiyahan at pauwi na sana ang mga ito sa kanilang bahay ng pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada ay hindi nakalkula ng drayber ang palikong kalsada dahilan upang magtuluy-tuloy na nahulog ang kotse sa dagat.
Dagdag ng pulisya na nakainom si Ferdinand na siyang nagmaneho ng sasakyan.
Umuulan at wala ring ilaw sa bahagi ng kalsada kaya posibleng hindi nito nakita ang daan.
Natagpuan na lang ng ilang concerned citizen ang mag-asawa sa loob ng kotse na walang malay kaya agad nila itong dinala sa nabanggit na ospital subalit patay na rin ang mga ito ng idating doon.
Base sa inisyal na pagsusuri ng doktor na tumingin ay pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng mag-asawa.
-
Biglaang paglabas ng mga tao, ikinabahala
Ikinabahala ng mga awtoridad ang biglaang paglabas ng mga tao habang halos umabot sa ‘pre-pandemic level’ ang bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada makaraang ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila. Mismong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang nakapansin sa pagdami ng tao sa mga kalsada, sa […]
-
DICT: Deadline ng SIM registration, Abril 26 pa rin
KINUMPIRMA kahapon ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na nananatili pa ring Abril 26 ang deadline para sa mandatory registration ng mga SIM cards sa bansa. “We like to as much as possible stick to what the law allows us to do and let’s see how the […]
-
SHARON, naliligo at nagsu-swim kasama ang luxury watches
PINAKITA na ni Megastar Sharon Cuneta ang part 2 ng kanyang pinag-uusapang mega watch collection sa kanyang vlog na ‘The Sharon Cuneta Show’ sa YouTube. In-upload nga ni Mega ang part 1 ng collection noong Sep- tember 16 na meron ng 379,590 views na kung saan ilan sa pinili niya ay yun may meaning […]