• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kakaibang poster ng inaabangang teleserye nina JODI, pinanggigilan ng netizens

MARAMI ang nagandahan sa pinost na poster ng Dreamscape Entertainment sa kanilang IG account bukod pa trailer na unang nilabas.

 

 

May caption ito na, “Itataas na natin ang gigil level ngayong 2022!

 

 

#TheBrokenMarriageVow starring Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla and Jodi Sta. Maria. Directed by Connie Macatuno and Andoy Ranay. Simula ngayong JANUARY 24 na sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11, TV5, iWantTFC at TFC!”

 

 

Meron din namang netizens na nagulat sa poster na bakit daw may vibe ng ‘Orphan’ movie kaya lumalabas na para itong horror o thriller at hindi basta-basta kabitserye lang.

 

 

Narito ang iba’t-ibang comment nila:

 

 

“Bakit parang mas mukhang horror movie poster siya?”

 

 

“Aahhmmm kasi medyo dark ung theme ng palabas? Hindi lang sya basta kabitserye.”

 

 

“Weird ng poster unlike sa Korean na sensual.”

 

 

“Mukang horror movie. Kaloka naman kasi I like Jodie pero di ko talaga bet yung role sakanya.. Plus yung eyebags.”

 

 

“Like. Pang word class!!”

 

 

“Ganda. Artsy siya.”

 

 

“Lakas maka Orphan ng poster. Maganda ang poster infairness, pero nakakasawa na talaga si Jodi! Yearly, may teleserye sya pati na rin sina Paulo Avelino at Zanjoe Marudo.”

 

 

“Reminds me of ‘Eerie’ poster.”

 

 

“Psycho/Horror dating. Tapos themesong ‘Broken Vow’ ni Lara Fabian.”

 

 

“Actually maganda for me. At least hindi lungkut lungkutang wife.”

 

 

“Gets ko na ba’t ginawa nilang ganyan ang hairdo ni Jodi. A woman’s hair is her crowning glory. Pang-justify ba’t nagloko ung asawa nya haha.”

 

 

“Maganda! Pero napakaliteral haha, rose-marriage-broken-basag. In fairness may impact.”

 

 

Ilang linggo na nga lang ang hihintayin para matunghayan na ang inaabangang unang pasabog ng Kapamilya Network ngayong 2022.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Creamline Cool Smashers abot-kamay na ang kampeonato matapos talunin ang PetroGazz

    ABOT-KAMAY na lamang ng Creamline Cool Smashers ang kampeonato matapos makuha ang unang panalo laban sa PetroGazz sa finals ng Premier Volleyball League Open Conference.     Umabot pa sa anim na set ang laro kung saan hindi hinayaan ng Creamline ang nasabing laro at tuluyang nakuha ang panalo sa score na 25-16, 23-25, 25-12, […]

  • Dayuhang estudyante sa Pinas, sasailalim pa rin sa govt. intel

    SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga dayuhang estudyante  na may hawak na student visa ay  sasailalim parin  sa government intelligence investigation kung may ginagawang illegal activities.     Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na ayon sa batas, ang isang dayuhan na nakakuha ng student visa  ay maari pa ring sumailalim sa […]

  • Esperon, malamig sa panukalang batas ni Drilon na magbibigay depinisyon sa red-tagging

    MALAMIG si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa isang panukalang batas na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon  na magbibigay depinisyon o pakahulugan sa ‘red-tagging’ at magtatakda dito bilang isang criminal activity.   Ani Esperon, kailangan muna niyang makita ang kopya ng Senate Bill No. 2121 o “Act Defining and Penalizing Red-Tagging” , […]