Kakantahin ang first Christmas song: JK, may paandar na pangangaroling sa kanyang fans
- Published on December 9, 2023
- by @peoplesbalita
TUNGKOL sa male singers ang column items natin for today.
Una ay si Juan Karlos o JK Labajo.
Paandar ang pangangaroling ni JK ngayong Pasko sa kanyang fans, huh!
At hindi ito drowing dahil tinotoo niya na sinimulan niya sa isang senior citizen na masugid na tagahanga ni JK.
Bago pa ang Disyembre ay nag-announce na si JK sa Facebook page niya na mangangaroling siya sa bahay-bahay ng mga supporters niya na ang kakantahin niya ay ang kanyang bagong Christmas song na “Maligayang Pasko” na pinakaunang kantang Pamasko ni JK.
At kailan lamang ay nag-post si JK sa kanyang Tiktok account ng video kung saan nangaroling siya sa isang lola na kitang-kitang tuwang-tuwa sa gesture ni JK at yakap-yakap pa niya ang guwapong balladeer.
Ang lola, na si Mama Luming, habang yakap si JK ay nagdayalog pa ng “Ang aking bunsong anak! Mayroon ka palang ugali…maganda ang ugali mo.”
Humirit pa si Mama Luming kay JK sa pagsasabing, “Ngayon lang ako nakakita ng ganire kagandang lalaki.”
On a different note, isa pang ganap ni JK ay ang achievement niya na ang hit song niyang “ERE” ay no. 2 sa Spotify’s Global Viral Songs at pinakaunang Pinoy song na nakapasok sa naturang chart.
***
KAPURI-PURI naman ang achievement ni Jimmy Bondoc na ngayon ay isa ng … abogado!
Isa si Jimmy sa halos apat na libong kapapasa lamang sa katatapos na bar exam para sa mga law students.
Sa Facebook account ng OPM singer-songwriter ay ipinagmalaki ni Jimmy ang kanyang bagong accomplishment.
Lahad ni Jimmy, “Nasa Aromata lang po kami the whole day, to praise God and to celebrate friendship. Everyone is welcome. 3pm to midnight, drinks, prayers, laughter. Glory to God and God alone.”
Unang nag-aral ng Law si Jimmy noong 2017 sa San Beda University at nagpatuloy naman noong 2019 sa University of the East.
Si Jimmy ang umawit ng hit na “Let Me Be The One.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Ipagpapatuloy ang legacy at advocacy ni Susan: COCO, inamin na nasa puso na niya ang ‘the right one’
OPISYAL na ngang ipinakilala ng country’s leading pharmaceutical brand na RiteMed ang kanilang newest brand ambassador sa pamamagitan ng latest TV commercial (TVC) na kung saan featuring ang well-loved and highly respected actor-director na si Coco Martin. Si Coco ang hinahanap at napiling ‘The Rite One’ para ipagpatuloy ang legacy and advocacy ng Queen of Philippine […]
-
Winner ang experience niya sa ‘BIFF’: ROCCO, pinuri ang Barong Tagalog ng Korean Oppas na naka-bonding sa event
HINDI man nanalo ang pelikula nilang Motherland, winner pa rin ang experience ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa pagdalo niya sa Busan International Film Festival. Proud na ipinakita ng aktor ang kaniyang Barong Tagalog na pinuri ng mga Korean Oppa na naka-bonding sa event. Nagpunta kamakailan si Rocco sa South Korea […]
-
Naihatid na sa huling hantungan: Huling gabi ni JOVIT, nagmistulang concert dahil sa mga local bands
INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang kauna-unahang grand champion ng ‘Pilipinas Got Talent’ na si Jovit Baldovino sa kanyang bayan sa Batangas, City. Nasa huling gabi nito ang tumatayong manager niya na si Jerry Telan at gayundin si Elena dela Vega hanggang sa libing ng mahusay na singer. Kaya na-witness nila ang mga parangal […]