Kakulangan ng valid ID at digital literacy, dahilan ng mabagal na SIM registration sa bansa
- Published on April 22, 2023
- by @peoplesbalita
KAKULANGAN sa government valid IDs at digital literacy ng mga SIM card subscribers ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad ng SIM registration sa bansa.
Sa ngayon kasi ay aabot pa lamang sa 66 million o 39 percent ng kabuuang bilang na 168 million ng mga SIM card users sa buong bansa ang nakakapagparehistro pa lamang ng kanilang mga SIM card noong Abril 11, 2023.
Ayon sa ilang eksperto, dahil dito ay kinakailangan ng hand-holing partikular na sa mga customers na nasa mga probinsya dahil nandoon aniya ang mga lugar na may mababang bilang ng registration.
Kaugnay nito ay sinabi naman ng Department of Information and Communications Technology na pinag-aaralan na nito kasama ang National Telecommunications Commission ang posibilidad ng pagpapalawig pa sa deadline ng SIM registration act.
-
Ads October 5, 2022
-
Coco Levy Trust Fund Act, pinirmahan na ni PDu30
PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang ganap na batas ang bumuo ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund na naglalayong tiyakin na may pondo para sa industriya ng mga magsasaka ng niyog. Sa ilalim ng Republic Act No. 11524, idi-dispose ng pamahalaan ang P75-bilyong halaga ng coco levy assets sa susunod na […]
-
Mobile vaccination team sa Navotas, muling iikot
INANUNSYO ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na muling mag-iikot sa mga barangay ang kanilang vaccination team simula sa February 14, 2022. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang mobile vaccination team ay mag house-to-house para magbakuna ng booster na Astrazeneca sa bedridden na mga residente ng lungsod. Aniya, para mapuntahan ng vaccination […]