Mayor Sara, ‘most qualified’ maging susunod na Pangulo ng bansa-Sec. Roque
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Presidential spokesperson Harry Roque na si Davao City Mayor Sara Duterte ang “most qualified” na tao para humalili sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa Hunyo 2022.
Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sa kabila ng naging pahayag naman ni Pangulong Duterte na hindi tatakbo sa pagka-pangulo ang kanyang anak na si Mayor Sara.
Sinabi pa ng Pangulo na ang presidency ay hindi trabaho para sa mga kababaihan dahil ang lalaki at babae ay mayroong magkaibang “emotional setup.”
“Malayo pa naman po ang eleksiyon, so tutok na muna tayo sa pandemya,” ayon kay Sec. Roque.
“Pero sa akin po, tingin ko si Mayor Inday Sara, siya ang pinaka-qualified, pinakahanda at, as the survey shows, kung tatakbo talaga siya siya talaga ang mananalo,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Kumpiyansa si Sec.Roque na gagawa ng tamang desisyon si Mayor Sara sa tamang oras at panahon.
“Tingin ko Inday Sara will make the right decision at the right time kung ano ang makakabuti sa kaniyang ama at kung ano ang makakabuti sa sambayanang Pilipino,” ayon kay Sec. Roque.
Lumitaw ang pangalan ni Mayor Sara bilang posibleng contender para sa presidency sa May 2022 election matapos na manguna ito sa pinakahuling Pulse Asia survey kung saan tinanong ang mga Filipino kung sino ang gusto ng mga ito na maging susunod na Pangulo ng bansa.
Nakiusap naman si Mayor Sara sa pollsters na huwag sama ang kanyang pangalan sa susunod na surveys. (Daris Jose)
-
Ex-NBA star Rajon Rondo naghain ng guilty plea sa mga kaso niya
NAGHAIN ng guilty plea si dating NBA star Rajon Rondo sa kinakaharap nitong kasong kriminal. Nahaharap kasi si Rondo ng iligal na pagdadala ng baril sa Indiana. Ang nasabing paghain nito ng guilty plea ay para maibasura na ang kasong possession of marijuana at possession of paraphernalia. Bilang bahagi ng […]
-
HIRAP ng mga PASAHERO sa PUBLIC TRANSPORT MAAARING MATUGUNAN NG CARPOOLING
Ang hiling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay gawing hanggang alas 4 ng umaga na lang ang curfew dahil maraming pasahero ang maagang nasa kalye dahil maaga pumapasok. Isinailalim muli ang Metro Manila sa 10 AM to 5 AM na curfew. mApektado dito ang mga pumapasok sa trabaho na […]
-
3 natagpuang patay sa ginagawang bahay
NATAGPUANG wala ng buhay sanhi ng mga saksak sa katawan ang tatlong katao, kabilang ang dalawang nursing graduate at isang estudyante sa isang ginagawang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktima na sina Arjay Belencio y Sarmiento, 22, estudyante; Glydyl Belonio y Mamon, 23, nursing graduate; at Mona Ismael habibolla, […]