• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kalagayan ng healthcare workers, ikinababahala ng mga Obispo

Nababahala na ang mga Obispo ng Simbahang Katolika sa kalagayan ng mga medical health worker na isinasantabi ng pamahalaan ang financial benefits.

 

 

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, dapat lamang na ipagpasalamat at pahalagahan ang pagsasakripisyo ng mga healthcare workers sapagkat sila ang tumutulong at naghahatid ng lunas laban sa umiiral na pandemyang lubos nang nagpapahirap sa marami.

 

 

“Our healthcare workers are our helping and healing hands. Let us be grateful for their selfless services and saving sacrifices. Let us appreciate how with their time and talents they care for us, comfort us and cure us,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Ipinagdarasal ni Bishop Santos ang katatagan at kaligtasan ng mga health worker o mga medical frontliners na nahaharap sa banta ng COVID-19 at pinagkakaitan ng nararapat na benepisyo.

 

 

“We pray that God will keep them strong, safe and spare from any harm as they serve us with love and responsibility. Our good Lord may deliver them from sickness, cover them with His graces and provide them with their necessary needs,” dalangin ni Bishop Santos.

 

 

Nagpaabot din ng panalangin si Legaspi Bishop Joel Baylon, para sa katatagan at kaligtasan ng mga healthcare workers habang ginagampanan ang mga tungkulin ngayong pandemya.

 

 

Hinihiling ng Obispo na nawa ang mga medical frontliners ay patuloy lamang na magtiwala sa pagmamahal at paggabay ng Diyos lalo na sa mga pagkakataong sila’y pinanghihinaan na ng loob at nawawalan na ng pag-asa.

 

 

“I offer fervent prayers for their well-being and protection, as well as words of encouragement that they may not lose hope when they feel weak and discouraged, but instead, gather strength from our loving God who never abandons us. In Him alone are we saved,” pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.

 

 

Itinuturing naman ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairperson ng Church People Workers Solidarity na isang “criminal negligence” ang ibinunyag ng Commission on Audit na 67.3-bilyong pisong  “unused at misused COVID-19 funds.

 

 

Ayon sa Obispo, kung ginamit sa tama at mga naaangkop na programa ang ponding ipinagkaloob sa Department of Health ay maaari sanang makapaglitas ng mas maraming buhay mula sa malawakang krisis pangkalusugan na dulot ng COVID-19.

 

 

Bukod dito, malaki sana ang maitutulong ng mga hindi nagamit na pondo ng kagawaran upang matugunan ang economic conditions o pangangailangan ng maraming medical frontliners na pangunahing tumutugon sa epekto ng COVID-19 pandemic sa kalusugan at upang mailigtas ang mga mamamayang Pilipino mula sa sakit.

 

 

Binigyang-pansin naman ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission ang mahirap na kalagayan ng mga medical frontliners.

 

 

Sinabi ni Bishop Mesiona na hindi matatawaran ang paghihirap at sakripisyo ng mga health workers sa kanilang hanapbuhay upang mapaglingkuran ang mga higit na nangangailangan ng atensyong medical na binabalewala lamang ng gobyerno.

 

 

Inihayag ng Obispo na dahil overwork na ay nanghihina na rin ang katawan ng mga medical frontliners kung kaya’t ang mga ito ay nahahawaan na rin ng COVID-19.

 

 

Iginiit ng Obispo na sa sitwasyong ito ng mga medical frontliners ay dapat lamang na pagtuunan ito ng pansin ng pamahalaan upang sila’y mabigyan ng karampatang benepisyo at suporta kapalit ng kanilang sakripisyo.

 

 

Kaugnay nito, hinihikayat naman ni Bishop Mesiona ang bawat isa na ipanalangin ang mga medical frontliners upang gabayan ng Panginoon sa kanilang misyon na gamutin ang mga mayroong malubhang karamdaman at gawaran ang mga ito ng ligtas at malakas na pangangatawan laban sa panganib na mahawaan ng nakamamatay na virus.

 

 

Naglabas naman ng saloobin si Jesuit Priest Fr. Marlito Ocon hinggil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease at mahirap na kalagayan ng mga health workers sa bansa.

 

 

Ayon kay Fr. Ocon, head chaplain ng University of the Philippines – Philippine General Hospital Chaplaincy, tila walang planong bumaba ang kaso ng virus sa bansa at patuloy na nagdudulot ng pangamba sa lipunan.

 

 

Sinabi rin ng pari na napapagod na ang mga medical frontliner na gamutin ang mga pasyenteng mayroong virus, kung kaya’t maging ang mga ito ay dinadapuan na rin ng karamdaman.

 

 

“Eto na nga mga kapatid. Paakyat [nang] paakyat parang walang planong bumaba. Health workers ay napapagod at maraming nahahawa,”ayon kay Fr. Ocon

 

 

Inihayag ni Fr. Ocon na tanging sa Diyos na lamang kumakapit ang mga medical frontliners dahil hindi pa rin natutupad ng pamahalaan ang ipinangakong benepisyo kapalit ng sakripisyong kanilang iniaalay para mabigyang-lunas ang mga higit na apektado ng virus.

 

 

“Hanggang kailan kaya ang ating pagdurusa? Ipinangakong benepisyo hindi naman natamasa. Siya na lang ang bahala,” saad ni Fr. Ocon.

 

 

Nakasaad sa Bayanihan Law na ang SRA ay ang benepisyong matatanggap ng bawat medical frontliners kada buwan na nagkakahalaga ng P5,000. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ‘US spy plane nagpanggap na PH aircraft nais subukan ang China; PH codes ‘di dapat gamitin’ – Esperon

    NANINIWALA si National Security Adviser (NSA) Sec. Hermogenes Esperon Jr, na nais lamang subukan ng United States kung ano ang magiging reaksiyon ng China ng magpanggap ang US Air Force surveillance aircraft na Philippine aircraft at ginamit nito ang pass code habang dumadaan sa Yellow Sea.   Ayon kay Esperon hindi dumadayo ang mga aircraft […]

  • RONNIE at LOISA, nawala na rin sa teleseryeng ‘Cara Y Cruz’

    TAHIMIK at hindi kami sinasagot nang tinanong namin kung bakit nawala na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa teleseryeng Cara Y Cruz na binago na ang titulo, Bagong Umaga na base na rin sa tweet ng Entertainment head ng Kapamilya network na si Direk Laurenti Dyogi.   “Soon this October, starring Tony Labrusca and […]

  • Hiyang-hiya na tawagin siyang ‘TikTok Queen’: MARIAN, gustong maka-collab si DINGDONG na malapit nang mapilit

    BUSY na si Senator Bong Revilla sa paghahanda niya para sa kanyang 57th birthday sa September 25, na kasabay din niyang isi-celebrate and kanyang 50th anniversary in showbiz na bibigyan din siya ng special show ng GMA-7.       Nabanggit din muli ni Senator Bong na may gagawin siyang malaking movie project na makakasama niya si Jillian […]