• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kalagayan ng mga Pinoy sa Myanmar, tututukan ng DOLE

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Pilipino sa Myanmar na mag-ingat dahil sa idineklarang State of Emergency matapos ang nangyaring kudeta.

 

 

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Myanmar ngunit may mga Filipino Community doon at sila ang tumitingin sa kalagayan ng mga Pilipino.

 

 

Sila rin ang naging daan para makontak nila ang mga Pilipino sa naturang bansa kaya pinayuhan sila na mag-ingat at huwag lumabas sa kanilang tirahan habang inoobserbahan ang mga pangyayari.

 

 

Delikado aniya ang nangyayari ngayon sa Myanmar dahil mismong militar ang nagsagawa ng kudeta at walang nakakaalam kung ano ang mga susunod nilang gawin.

 

 

Sinabi ng kalihim na tututukan nila ang kalagayan ng mahigit 2,000 na Pinoy sa Myanmar na karamihan ay mga guro.

Other News
  • 34 border checkpoints inilatag sa Metro Manila

    TATLUMPU’T  apat na border checkpoint ang inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila sa gitna na rin nang pagsipa ng kaso ng COVID-19.     Layon nito na imonitor at tiyakin ang pagsunod ng publiko sa minimum health protocols.     Ayon kay NCRPO Chief P/Major Gen. Vicente […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 25) Story by Geraldine Monzon

    TINAWAGAN  ni Janine si Andrea upang kausapin ito subalit narinig niya ang mga paghikbi nito mula sa kabilang linya.   “Andrea, umiiyak ka na naman ba?”   “S-Sorry Janine…ba’t ka nga pala napatawag?”   “Lagi naman ako tumatawag sa’yo ng ganitong oras diba? Sabihin mo nga sa’kin, ano bang iniiyak mo?”   “Wala to…si Sir […]

  • Presyo ng bigas sa merkado, tumaas ng hanggang P2/kilo kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyo – DA

    TUMAAS ang presyo ng bigas sa merkado ng P1.50 hanggang P2 kada kilo kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyo ayon sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA).     Sa pinakahuling datos, nag-iwan ng malawak na pinsala ang matinding pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa parte ng Luzon kung saan umaabot sa P2 […]