Kalidad ng buhay ng 39% ng mga pinoy, bumuti sa nakalipas na 12 buwan- SWS
- Published on September 23, 2024
- by @peoplesbalita
NANINIWALA ang 39% ng mga adult Filipino na bumuti ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na taon.
Ito’y base sa resulta ng kamakailan na survey ng Social Weather Stations (SWS).
Makikita sa survey na ginawa mula June 23-July 1, 2024, na 23% ng mga respondents ang nagsabi na ang kalidad ng kanilang buhay ay naging mas masahol pa kaysa sa bago ang 12 buwan habang 37% naman ang nagsabi na ang kanilang buhay ay nananatiling hindi nagbago.
Dahil dito, sinabi ng SWS na nagresulta ito ng net gainers score na +15, na klasipikado bilang “very high.”
Nagmarka naman ang June 2024 score ng 10-point improvement mula sa dating survey noong March 2024, na mayroong “fair” rating na+5.
Gayunman, ang kasalukuyang iskor ay nananatiling bahagyang nasa ibaba ng pre-pandemic level na +18 na naitala noong December 2019.
Ayon sa June 2024 survey, “Balance Luzon registered the highest net gainer score at an “excellent” +26, followed by Metro Manila at a very high +16, Mindanao at a high +7, and the Visayas at a high +1.”
“The 10-point rise in the nationwide Net Gainer score between March 2024 and June 2024 was due to increases in all areas, especially in Mindanao,” ang sinabi pa rin ng SWS.
Pagdating naman sa educational levels, ang net gainers sa hanay ng mga college graduates ay tumaas mula sa +10 noong March 2024 sa “excellent” +21 noong Hunyo, habang ang junior high school at elementary graduates ay mayroong “very high” rating at non-elementary graduates ay mayroon namang “net zero “fair” rating.
Ang mga pamilya na hindi nakaranas ng pagkagutom ay mayroong “very high” net gainers score na +18, habang ang pamilyang nahaharap sa moderate hunger ay may iskor na +12.
Taliwas dito, nananatili naman na nasa “mediocre” territory ang ‘severely hungry families’ na may iskor na -17.
Ang mga pamilyang tinukoy bilang “Not Poor” ay mayroong “excellent” score na +26, habang iyong mga kinokonsidera ang kanilang sarili na “Poor” ay mayroong “high” score na +9.
“The Net Gainers score has historically been lower among the Poor than the Borderline and Not Poor. This means the Poor have more Losers and fewer Gainers than the Borderline and Not Poor,” ayon sa SWS.
Samantala, ang Second Quarter 2024 Social Weather Survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults sa buong bansa na may ±2.5% margin of error sa national level. (Daris Jose)
-
Korean singer na si Chung Ha at dalawang staff, nagpositibo sa COVID-19
NAKASAILALIM sa self-quarantine ang South Korean singer na si Chung Ha. Ito ay makaraan na dalawa sa kanyang staff ang magpositibo sa COVID-19 pagkatapos ng kanilang show sa Italy. Sa pahayag ng MNH Enter-tainment, katatapos lamang mag-show sa Italy ni Chung Ha at pagbalik ng South Korea, dalawa sa kanyang staff ang nagpositibo sa […]
-
HVI na tulak nadakma sa Valenzuela drug bust
ISANG umano’y tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang natimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela police si P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas ‘Dante Lalog’, 38, ng Tañada Subd., Brgy. […]
-
Sapat na bilang ng mga tren sa MRT-3, tiniyak upang matugunan ang dumaraming mga pasahero
TINIYAK ng pamunuan ng MRT-3 na sapat ang bilang ng mga tren ng MRT-3 para sa dumaraming pasahero. Ito ang pahayag ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino kasunod ng balita na umabot sa 436,388 ang bilang ng mga pasaherong napagserbisyuhan ng MRT-3 noong Agosto 16. […]