• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kalituhan sa ‘window hours’, nilinaw ng MMDA

NILINAW  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang polisiya sa ‘window hours’ na ipinapatupad sa provincial buses na nagdulot ng kalituhan sa publiko.

 

 

Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na batay sa umiiral na polisiya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), lahat ng provincial buses ay dapat lamang na magbaba at magsakay ng pasahero sa North Luzon Express Terminal (NLET) sa Bocaue, Bulacan o sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na matatagpuan naman sa Parañaque City.

 

 

Ayon kay Artes, pinagbigyan ng LTFRB ang hiling ng MMDA matapos na umapela ang mga provincial bus operators sa ahensiya na payagan silang pumasok at dumaan sa EDSA simula 10pm hanggang 5am, sa loob ng dalawang linggong dry run na nagsimula noong huling linggo ng Marso. Binigyang diin din ni Artes na hindi ipinagbabawal na mag-operate nang lagpas sa nasabing window hours ang mga provincial buses, sa kondisyon na hindi sila magbaba at magsasakay sa kani-kanilang mga pribadong terminal at sa halip ay gagamitin nila ang integrated terminals (NLET at PITX) alinsunod sa umiiral na patakaran ng LTFRB.

 

 

Kinumpirma rin ni Artes na ang ahensiya at mga provincial bus operators ay nagkaroon ng gentleman’s agreement matapos silang humiling na palawigin pa ito, kung saan pinapayagan lahat ng provincial buses na dumaan sa kahabaan ng EDSA at gamitin ang kanilang Metro Manila terminals nang buong araw noong Semana Santa, partikular hanggang Abril 17 (Linggo ng Pagkabuhay). Mas pinalawig pa ang kasunduan hanggang noong Martes, Abril 19. Kaya naman muli nang ipapatupad ang window hours scheme nitong Miyerkules, Abril 20.

 

 

Bukod dito, iginiit ng opisyal na ang pa­ngunahing tungkulin ng MMDA ay ang mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon at batas trapiko, habang ang paggawa ng mga patakaran tungkol sa provincial buses at iba pa na may kinalaman sa transportasyon ay saklaw na ng Department of Transportation at LTFRB.

Other News
  • BEA, blooming at kitang-kita na masaya na kay DOMINIC; netizens natuwa sa photo na magkasama

    MARAMI ang natuwang netizens nang sa wakas makitang magkasama ang Kapuso actress na si Bea Alonzo at ang rumored boyfriend na si Dominic Roque sa baby shower ng anak ng dating aktres na si Beth Tamayo.     Lumabas nga ang photo at video ng celebrity couple na kuha sa naganap na baby shower para […]

  • Pinay skater Margielyn Didal tinanghal bilang Women’s Asia Skater of the Year

    Tinanghal bilang Women’s Asia Skater of the Year si Margielyn Didal.     Tinalo ng 21-anyos na Tokyo Olympic hopefuls ang pitong iba kung saan naibulsa niya ang $1,500 na premyo.     Kabilang din na nominado sa award ang isang Pinay skater na si Cindy Lou Serna.     Nakuha rin ni Didal ang […]

  • PDU30, walang alam na ang mga sinibak na immigration personnel na sangkot sa “pastillas scheme” ay hindi naalis sa puwesto kundi nananatili pa sa kanilang duty

    WALANG alam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga Immigration personnel na sinibak nito sa puwesto dahil sa korapsyon ay nananatili pa rin sa government service.   Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) araw ng Lunes, na sinibak niya ang 43 Immigration personnel na sangkot sa tinatawag na […]