• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kamara, magsasagawa ng espesyal na pagdinig hinggil sa oil price hikes

NAKATAKDANG magsagawa ng espesyal na pagdinig ang House of Representatives sa darating na Marso 9, sa susunod na linggo.

 

 

Ito ay may kaugnayan pa rin sa nakaka-alarmang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

 

 

Ayon kay Ways and Means Committee chairperson at Albay Representative Joey Salceda, tatalakayin sa naturang pagdinig ang epekto ng fuel hike sa inflation, trade at commodity, maging agrikultura.

 

 

Pag-uusapin din sa pagpupulong ang epekto nito sa supply at demand ng bansa, sektor ng transportasyon, at pati na rin ang iba’t-ibang paraan sa pagsusulong ng fuel excise tax at iba pa.

 

 

Ayon pa kay Salceda, inatasan na ni ni Speaker Lord Allan Velasco ang House commitees on Economic Affairs, Energy, Transportation at Ways and Means na bumuo ng Fuel Crisis Ad Hoc Committee na siyang hahawak sa mga paglilitis.

 

 

Kabilang rin sa mga dadalo sa naturang pagpupulong ay ang mga economic managers at iba pang ahensya ng gobyerno upang mapag-usapan ang mga epektibong hakbang at paraan na maaaring agad na gawin ng pamahalaan ukol dito.

 

 

Hihilingin rin aniya ng komite sa mga kinauukulang ahensya ang timeline kung kailan ilalabas ang fuel subsidy para sa mga magsasaka, mangingisda, at drivers.

Other News
  • Ravena, ‘Pinas olats sa NZ

    NAWALANG saysay ang tikas nina Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at Dwight Ramos nang tambakan ang Gilas Pilipinas ng New Zealand Tall Blacks, 88-63, sa 2023 International Basketball Federation World Cup Asian Qualifiers sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City Linggo ng gabi.     Lumamang lang ang host Philippine quintet sa 5-4 sa opening period, […]

  • $10 bilyong investment nakuha ni Pangulong Marcos sa Japan trip

    NAKUHA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa $10 bilyong halaga ng investment mula sa limang araw na working visit sa Japan.     Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na ang ibig sabihin nito ay P550 bilyon at libu-libong trabaho.     Paliwanag pa ni Pascual na nasa bola na ngayon ng Pilipinas kung […]

  • NTF, kumbinsido na maitatama ang US CDC advisory ukol sa pagbiyahe sa Pinas

    KUMBINSIDO ang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 na ang kamakailan lamang na advisory mula sa US Centers for Disease Control and Prevention na nagpalabas ng babala laban sa pagbiyahe sa bansa ay maitatama sa oras na ang ahensiya ay makatanggap ng pinakabagong COVID-19 data ng Pilipinas.     “I’m sure maco-correct nila […]