Kamara tinanggap na ang inihaing impeachment complaint vs VP Sara
- Published on December 4, 2024
- by @peoplesbalita
PORMAL nang tinanggap ng Kamara ang impeachment complaint na inihain ng iba’t ibang advocacy group laban kay Vice President Sara Duterte.
Bandang alas-4:30 ng hapon tinanggap ni House Secretary General Reginald Velasco ang formal impeachment case na inihain ng 17 complainants mula sa iba’t ibang civil society groups.
Sinabi ni Velasco na ang HOR ay constitutionaly mandated na aksiyunan ang impeachment complaints na inihain ayon sa 1987 constitution.
Sinabi ni Sec Gen na batay sa konstitusyon, ang isang verified complaint for impeachment ay maaring i file ng sinumang mioyembro ng kamara batay sa isang resolution of endorsement.
Nilinaw ni Sec Gen. na ang pagtugon sa impeachment complaint ay hindi discretionary act ng House of Representatives kundi isang constitutional obligation.
Malinaw sa konstitusyon dapat matiyak ang fairness at naaayon sa rule of law.
Si Akbayan Rep. Perci Cendana ang nag-endorse sa nasabing impeachment complaint na inihain laban kay VP Sara.
Sinabi rin ni Cendana na ang kanyang pag-endorso sa impeachment complaint ay maituturing na historic dahil ito ay laban sa pangalawang pinaka mataas na lider ng bansa.
Sinabi ni Cendana panahon na para isara ng taong bayan ang bangungungot na dulot ni VPA Sara.
Ayon sa kongresista, deserve ng mga Filipino ang isang ethical, accountable at committed sa public service hindi yung ginagamit ang kaniyang authority para sa kanyang personal gain.
Samantala, pinangalanan ni dating Senator Leila de lima na nagsisilbing tagapagsalita ng grupo ang 17 signatories sa impeachment complaint.
Ang mga complainants ay sina Teresita Quintos Deles, Fr. Flaviano Villanueva, SVD, Fr. Robert Reyes, Randy Delos Santos (uncle of Tokhang victim Kian Delos Santos), Francis Aquino Dee, Leah Navarro, Sylvia Estrada Claudio, Alicia Murphy, Sr. Mary Grace De Guzman, SFIC, at dating Magdalo Rep. Gary Alejano.
Sinabi ni De Lima na base sa articles of impeachment lima ang grounds, ito ay culpable violations of the constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, and other high crimes at hindi lang nakasama rito ay ang treason. (Vina de Guzman)
-
Romnick at Cris, parehong hanga sa boyfriend ni Kathryn: DANIEL, very pleasant na katrabaho at parang kuya sa young cast
“DANIEL Padilla is very pleasant to work with,” pahayag ni Romnick Sarmienta tungkol sa kalabtim at boyfriend ni Kathryn Bernardo sa zoom presscon ng trending series na 2Goor 2Be True. Mas maganda na raw ang ugnayan nina Romnick at Daniel ngayon na gumaganap bilang mag-ama sa naturang serye. Ayon pa kay […]
-
Sec. Roque, ipagbibigay-alam sa DBM ang paubos na passport revolving fund
IPAGBIBIGAY-ALAM ni Presidential spokesperson Harry Roque kay Budget Secretary Wendel Avisado ang ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang passport revolving fund ng bansa ay paubos na. “I will bring this matter up also to [Budget] Secretary [Wendel] Avisado,” ayon kay Sec. Roque. Gayunpaman, tiwala naman si Sec. Roque kay […]
-
Liza, nag-reflect kaya nag-break muna sa social media
LAST November 10, muling nag- post si Liza Soberano sa kanyang twitter account pagkaraan ng ilang linggong pananahimik matapos na masangkot sa isyu ng ‘red tagging’. Post niya, “Hi everyone! Sorry I’ve been MIA for a while. Just savoring the time I have with the people most special to me. Smiling face But I […]