Kamara tiniyak patuloy na tututukan ang presyo ng pagkain – House agri panel chair
- Published on October 25, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng House committee on agriculture and food na tuloy tuloy ang gagawing pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultural.
Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairman Rep. Mark Enverga magpapatawag aniya ang komite ng mga pagdinig at pagsisiyasat at magdaraos ng konsultasyon sa mga stakeholder kung kinakailangan, upang mapigilan ang hindi makatwirang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Iginiit ni Enverga na hindi magpapatinag ang Kamara sa mga kritisismo matapos nitong ilipat ang confidential and intelligence funds (CIF) ng ilang ahensya para mapalakas ang paninindigan nito sa West Philippine Sea.
Sa unang bahagi ng taon, ikinasa ng komite ni Enverga ang apat na buwang pagsisiyasat sa biglang pagtaas ng presyo ng sibuyas ng umabot ng hanggang hanggang P800 kada kilo.
Nagresulta naman ito sa pagbaba ng presyo na naging P160 kada kilo. (Daris Jose)
-
Bong Go: SAP para sa 22.9 milyong Pinoys pabilisin
Nag-alala si Senator Christopher “Bong” Go sa kalagayan ng mga pamilyang apektado ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions sa National Capital Region Plus areas dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19. Kaya naman hiniling ni Go sa Department of Social Welfare and Development at mga apektadong local government units na pabilisin […]
-
VisMin sasaklolo sa basketbol
PUNTIYRA ng Pilipinas VisMin Super Cup na mabigyan ng magandang buhay, mapaangat ang playing career ng mga manlalaro sa nalalapit na pagbubukas ng isa pang propesyonal na liga ng basketbol sa bansa. “We will be very happy kapag marami na sa aming mga player ang makikita namin na kukunin para maglaro sa Manila […]
-
PNP COVID-19 free na ngayon, matapos makamit ang target na ‘zero case’
INIULAT ng Philippine National Police (PNP) na nakamit na nila ang target na zero case sa COVID-19. Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief Police BGen Roderick Alba, gumaling na kahapon ang nag iisa nilang tauhan na may COVID-19 kaya opisyal nang COVID free ngayon ang PNP. Sa kabila nito, […]