Kamara umaasang hindi na mabi-veto ang SIM Registration Bill
- Published on September 30, 2022
- by @peoplesbalita
UMAASA ang liderato ng Kamara na hindi ma-veto ang SIM Registration Bill, matapos niratipikahan na ng Kamara ang Bicameral Conference Committee report ng panukapang SIM Registration Bill na nag-uutos na irehistro ang lahat ng Subscriber Identity Module o SIM card.
Ayon kay Speaker Romualdez, kanilang inaaasahan na ang SIM Registration Act ang kauna-unahang batas na mapipirmahan ng Pangulong Bongbong Marcos sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Aniya, sa ipinasang bersiyon ngayon ng panukalang SIM Card Registration Act ay inalis nila ang probisyon ukol sa pagpaparehistro ng social media accounts na siyang dahilan ng pagveto noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang-diin ni Romualdez, napapanahon na itong maisabatas bilang solusyon sa talamak na panloloko sa pamamagitan ng text messages na maaring magdulot ng trahedya sa buhay at makasira sa public order.
Sinabi ni Speaker Romualdez, kapag naisabatas ang SIM Registration Bill ay mas magiging responsable ang mga gumagamit ng Cellphone o iba pang electronic devices na may sim card.
Naniniwala kasi si Romualdez, maituturing din itong sandata ng mga alagad ng batas laban sa mga gumagawa ng krimen gamit ang telecommunication devices.
” Na-ratify ngayon ng House of Representatives ang bicameral committee report sa SIM Registration Act. Kung mara-ratify na rin ito ng Senado, maaari nang ipadala ang panukalang batas para mapirmahan ng Pangulo,” pahayag ni Speaker Romualdez.
-
THE BAT AND THE CAT GET IN SOME TROUBLE IN THE NEW TRAILER OF “THE BATMAN”
VENGENCE equals justice for both the Bat and the Cat. Check out the new trailer for “The Batman” now and watch the film only in Philippine theaters March 2022. YouTube: https://youtu.be/4T7J-U0lacY Facebook: https://fb.watch/a9KqknCxpI/ About “The Batman” From Warner Bros. Pictures comes Matt Reeves’ “The Batman,” starring Robert Pattinson in the […]
-
Pinas, nangako na palalakasin ang pagbabakuna sa mga lalawigan laban sa COVID-19 surge
LALABANAN ng gobyerno ang posibleng surge sa COVID-19 cases sa labas ng Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng pagpapalakas ng COVID-19 vaccination at pagbibigay ng access sa anti-COVID-19 medicines. Ang pahayag na Ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung handa ba ang bansa sakali’t magkaroon ng […]
-
Michele, kinumpara kay Pia na tatlong beses natalo pero nanahimik lang
SIMULA na ng mga sleepless night ng actress na si Ryza Cenon dahil sa kanyang bagong silang na anak, ang kanyang panganay na anak at baby boy na si “Night.” Ipinanganak nga ni Ryza ang baby nila ng kanyang live-in partner na si Miguel Cruz noong madaling-araw ng October 31 at 13 oras siyang […]